Cassandra POV 3 days na ang nakakalipas at andito pa rin kami ng mga anak ko sa palasyo namin dahil nakikipag bonding pa sila sa magulang ko. Sa totoo lang miss ko na talaga si Lie at nagpapadala naman ito ng mensahe sa amin pero hindi pa rin nawawala ang pagkamiss ko dito. Nalaman ko na dumating na ang pinsan niyang si Giana mas matanda ito sa amin ng 3 years pero ayaw nitong tinatawag siyang ate dahil nagmumukha daw siyang matanda. Buti nga bumalik na ito dahil simula ng mamatay ang asawa niya ay nagbago na ito at para bang wala ng pakialam sa mundo. Sa totoo lang hanga ako dito dahil nagpakatatag ito dahil laahat ng namamatayan ng mate ay hindi na nabubuhay dahil kalahati sa buhay mo ay patay na din at nalampasan iyon ni Giana at alam kong may anak sila pero hindi nabanggit ni Lie

