Cassandra POV Bigla na lang naging abo si Charles at hindi man lang niya nasabi sa amin kung sino ang taong may pakana ng lang na ito. Yung mga magulang ni Charles ay nagsiiyakan na dahil sa pagkamatay ni Charles. Ang mga anak naman namin ni Lie ay nakatingin lang sa tito nila. Ako ay pinipigilan kong wag umiyak dahil ayaw ko makita ng mga anak ko na mahina ang mama nila. Napaisip ako anong tinutukoy nitong kapangyarihan ng mga anak ko na pinakamalakas sa buong Mage Kingdom at ang sisira at ang makakapag ayos ng buong mundo na ito. Ilang oras na ang nakalipas ay pinagpahinga ko na ang mga magulang ko at dito na sila pinatulog ng magulang ni Lie at habang sila Charm at Denisse ay dito din pinatulog na. Ako naman ay kasama ng mga anak ko sa kwarto nila at katabi nilang nakahiga. Hindi

