KABANATA 13-LITRATO
Yria's POV
Hindi ako mapakali sa aking higaan. Kanina pa ako pabaling baling doon.
Kahit pilitin ko mang ipikit ang aking mata ay hindi ko pa din magawang makatulog. Kapag ginagawa ko iyon ay ang nakangiting si Hermes ang aking nakikita kaya wala akong magawa kun'di ang dumilat na lamang.
Nagising na din si Trudis ngunit kalauna'y natulog din ito.
Hindi kasi maalis sa isip ko ang sinabi nito kanina na hindi ko nagustuhan.
Iyon kasi ang mahigpit na ipinagbabawal sa akin ng mga Guardian Fairy. Ang magkaroon ako ng ugnayan sa taga lupa. Kaya imposibleng mangyaring may gusto ako sa taga lupang iyon.
Marahil nagkataon lamang na kahalintulad ng mga sinabi ni Trudis ang nangyayari sa akin pero hindi ibig sabihin niyon ay may nararamdaman na ako sa tagalupang iyon.
Ipinilig ko ang aking ulo. Nagbakasakaling maiwaksi niyon ang mga iniisip ko.
Tumayo ako at pinasya kong tunguhin ang hardin. Susubukan kong muli makausap si Inang Yesha.
Nang marating ko ang hardin ay tumingala ako. Tapat niyon ang kawarto ni Hermes. May veranda doon kaya makikita ng nasa baba kong gising pa ba ito o hindi na dahil sa ilaw na nakabukas.
Marahil ay tulog na ito dahil wala ng liwanag na nagmumula doon.
Muli kong tinungo ang sulok kung saan ay nakausap ko si Inang Yesha. Ngunit hindi pa man ako doon nakakalapit ay may narinig akong tila nahulog sa hagdan kaya naman ay mabilis ko iyong tinungo.
Ang baston na madalas gamitin ni Hermes ang aking nakita sa hagdan.
Tiningnan ko ang taas ng hagdan.
Para naman akong naawa sa posisyon nito doon.
Nakatukod ang dalawang kamay nito sa magkabilang tuhod habang sapo ang ulo at nakaupo sa baitang ng hagdan.
Kinuha ko ang baston at lumapit ako sa kan'ya.
"Anong nangyari?" tanong ko.
Hinilamos nito ang palad sa mukha at muling sinapo ang ulo.
"I hate my self. I hate being blind. I hate everything about me."
Nagpakawala ako ng isang buntong hininga.
Naupo ako sa tabi nito. Tinanggal ko ang kamay na nasa ulo nito at binigay ko ang baston na nabitawan niya.
"Bakit? Dahil ba hindi mo nagagawa ang gusto mo?" Mahinahon kong wika. Sa ngayon gusto ko marinig ang mga hinanaing nito sa buhay.
"Yes, gusto ko ibalik sa dati ang lahat. Iyong mga panahon na I can managed my own company. Kung saan saan akong lugar nakakarating because of my business trip. Iyong nakakapamasyal ako kasama ang mga kaibigan ko."
Hinintay ko siyang magpatuloy.
Nararamdaman ko ang paghihirap ng kalooban na nararanasan nito. Kung kaya ko lang tanggalin ang sakit na iyon.
"But look at me now. I'm helpless and useless. Ang mga kaibigan ko noon na palaging nasa tabi ko ay hindi ko na mahagilap. Thier avoiding me because I'm worthless." Patuloy nito.
Nakapangalumbaba akong sumulyap sa kan'ya.
"Hahayaan mo na lamang ba na gan'yan ang maging trato nila sa'yo? Hahayaan mo na lang ba na baliwalain ka ng mga taong naging malapit sa'yo? Kung gusto mo ibalik ang nakagisnan mo ay simulan mo baguhin ang sarili mo. Alam mo na…" humagikgik ako pagkatapos ko iyon sabihin.
Ang tinutukoy ko ang nakapakaganda nitong ugali. Kung ang sabi ni Manang Nora at Trudis ay mabait ito, doon siya magsimula, ang ibalik ang kabaitan nito. Gusto ko matunghayan ang kabaitan nito.
Tumawa ito ng mahina.
Napangiti ako dahil kahit paano ay nagbago na ang emosyon nito. Kahit sa simpleng salita ay napatawa ko siya.
"Yria?"
"Hmm?"
"Kapag nakakita na ako, sana palagi ka pa din nand'yan sa tabi ko. Sana hindi magbago ang pakikitungo mo sa'kin kahit bumalik na ako sa dating ako. I like the way you treated me. Iyong kahit amo mo ako ay wala kang pakialam na sagutin ako." Muli itong tumawa.
Binaling niya ang tingin sa akin. Nabanaag ko sa mga mata niya kong gaano siya kasinsero sa sinasabi niya.
"Will you stay for me?" Pagkasabi nito ay inabot nito ang isang kamay.
Nagpapahiwatig iyon na abutin ko ang nakalahad na kamay niya.
Nanatili lamang akong nakatitig sa kamay nito.
Dapat ko bang abutin iyon kong hindi naman habang buhay ay nasa tabi niya ako?
Alam ko kung ano lamang ang lugar ko sa kan'ya. Isa lang akong fairy na kapag natapos sa aking misyon ay tuluyan ng lilisanin ang mundo niya.
"Please,"
Nakikiusap ang tinging iyon.
Hindi ko siya mahindian kaya naman ay namalayan ko na lamang ang aking sarili na inabot ang kan'yang nakalahad na kamay.
Napangiti ito sa ginawa ko. Kasabay niyon ang pagtayo nito kasama ako.
Tinungo namin ang kwarto nito. Nagtaka naman ako dahil sinama niya ako doon.
"May ipag-uutos ka pa ba?" tanong ko.
Hindi ito nagsalita at naupo ito sa kama.
Dahil sa hindi nito binibitawan ang kamay ko ay naupo din ako hindi kalayuan sa tabi nito.
Nakatunghay lamang ako sa kan'ya. Hinihintay ko siyang magsalita ngunit nanatili lamang itong tahimik.
Biglang tumahip ang puso ko ng lumapit ito sa kinauupuan ko.
Hindi ako nakagalaw ng humilig ito sa balikat ko. Para akong naistatwa sa ginawa nito. Pigil ang bawat paghinga ko sa lapit niya sa akin. Ganoon ang nagiging epekto ng isang Hermes John Alejandro sa pagkatao ko na hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito?
"Ang buong akala ko ay kaya ka lang nag-i-stay dahil sa bulag ako. Kahit hindi maganda ang pakikitungo ko sa'yo ay tinitiis mo dahil naaawa ka sa akin. Pinatunayan mo sa akin na kahit makakita na ako ay mananatili ka pa din sa tabi ko." Basag nito sa katahimikan.
"Pero hindi sa lahat ng oras nasa tabi mo ako. Dadating din ang panahon na aalis ako sa pudir mo. Hindi din ako maaaring magtagal sa mundo mo dahil hindi ito ang mundo ko."
Lalong bumilis ang t***k ng puso ko ng pagsalikopin niya ang aming mga kamay.
Napakagat ako sa aking ibabang labi.
Hindi ko na yata mapigilan ang puso ko. Kaunti na lang ay lalabas na iyon dahil sa lakas ng t***k niyon.
"What are you? An alien from outer space? Or a fairy who became human and decided to live here in our world?"
Hindi ako nakasagot sa tinuran nito. Bagama't alam kong nagbibiro lamang siya ay may bahid iyong katotohanan.
Ang isipin na nandito lamang ako sa lupa para sa isang misyon ay nakaramdam ako ng kalungkutan na hindi ko mawari.
Matagal na din akong namamalagi dito sa lupa at ang gawain at nararamdaman ng mga tao ay nararanasan ko na din. Pero kakaiba ang mga umusbong at kakatwa na nararamdaman ko. Hindi ko ito maintindihan.
"Just kidding. You're too beautiful to be an alien, and yet, you're beautiful to be a fairy."
Natawa ako sa sinabi nito. Nakabawas iyon sa bilis ng t***k ng puso ko.
"Kung makapagsalita ka parang nakita mo na ako," saad ko.
Alam ko na nakita na niya ako dahil sa ginawa ko sa kan'ya nung party. Pero hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Wala itong ideya na alam ko na nakakita siya ng gabing iyon.
"Nanaginip kasi ako…" tinanggal nito ang ulo sa pagkakahilig mula sa aking balikat.
Binaling nito ang tingin sa akin. Gumalaw ang isang kamay nito at dumapo iyon sa aking pisngi.
Hinaplos niya iyon ng marahan at pinakatitigan na animo'y nakikita nito iyon.
"H-Hermes," usal ko sa pangalan nito.
"That night, I saw your pretty face. Ang mukhang naiiba sa lahat. I don't know if that was a dreame. Hindi ako nakatulog ng gabing iyon dahil pakiramdam ko totoo ang nakita ko. Then I decided to see my Ophthalmologist. Pero ang sabi niya ay baka nag-hallucinate lang daw ako." Tumawa ito ng mahina.
"Hindi nga ba?" Gusto ko mawala ang iniisip nito na totoo ngang nakakita ito at halusinasyon lamang ang lahat.
Tinanggal na nito ang kamay mula sa aking pisngi at kumawala ito ng malalim na buntong hininga.
"Kaya nga gusto ko makasiguro na hindi ko nga nakita ang mukha mo."
"Paanong gusto mo makasiguro?" Naguluhan ako sa sinabi niya.
"Nakapagdesisyon na ako na magpa-opera sa mata. Sa susunod na linggo ay gagawin ang aking operasyon."
Nanlaki ang mata ko sa tinuran nito.
Magpapa-opera na ito sa mata. Paano kong hindi ito maniwala na hindi panaginip at hindi halusinasyon ang nangyari sa kan'ya ng gabing iyon? Matalino ang taga lupang ito. Gagawa ito ng paraan para malaman nito ang katotohanan kung bakit ito nakakita. Lalo itong hindi matatahimik kapag nakita ang mukha ko.
"Magandang balita iyan," sambit ko.
Nag-iisip na ako ng paraan kung paano ito mapapaniwala na halusinasyon nga lang iyon.
Nahagip ng mata ko ang isang nakataob na bagay sa bed side table nito.
Tumayo ako ngunit nanatili pa din magkahawak ang aming mga kamay. Ayaw na yata nito bitawan iyon.
Kinuha ko ang nakataob na bagay.
Nagsalubong ang kilay ko ng makita ko ang isang litrato.
Napakaganda ng nasa litrato. Lalong lumutang ang ganda nito dahil sa ngiti nito sa mga labi.
Sino ito? Bakit iyon nakataob?
"Sino itong nasa litrato?" tanong ko. Napukaw niyon ang interes ko.
Tumayo ito at kinapa ang hawak kong litarato.
Narinig kong muli ang buntong hininga nito.
Muli nito iyong itinaob.
Hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa nito. Niyakap niya ako ng mahigpit na animo'y hindi na ako pakakawalan.
"Gusto ko makalimot, Yria. Tulungan mo akong gawin iyon. Gusto kong magsimula muli ng hindi na siya ang iniisip ko. Gusto ko ibaon ang lahat ng nagpapahirap sa akin. Please, help me." Pakiusap nito.
Ramdam ko ang paghihirap nito.
Namalayan ko na lamang ang sarili na tinutugon ang yakap nito. Gusto ko iparamdam sa kan'ya na maasahan niya ako. Gusto ko siyang tulungan.
Tinapik tapik ko ang likod niya.
Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin ngunit hindi inilayo ang aking katawan sa kan'ya.
Nakatingala ko siyang tiningnan.
Ngayon ko napagtanto na humahanga ako sa taglay nitong kagwapohan. Gwapo ito lalo na sa malapitan.
Sa naisip ay lalong naghuramintado ang puso ko.
Hindi ko lubos maisip na humahanga ako sa taga lupang ito.
Kung tama nga ang sinabi ni Trudis na gusto ko ito ay gusto ko muna maranasan iyon ngayong gabi. Pero sana paggising ko ay wala na ang nararamdaman ko dahil bawal ako mahulog sa taga lupang ito. Hindi maaaring mangyari na magmahal ang tulad ko ng isang tao.
"Mababaliw na yata ako, Yria," sabi nito at nilapit ang mukha sa akin.
Naistatwa na naman ako sa aking kinatatayuan.
Nanatili lang akong nakatitig sa kan'ya. Gusto ko batukan ang sarili para magising ako dahil tila hinihintay ko pa ang maaari nitong gawin.
Hanggang sa hinayaan kong lumapit ang mukha niya sa akin. Pero ang inaasahan ko ay hindi naganap dahil dumampi iyon sa aking noo.
May ganoon palang halik dito sa lupa? Mawawala kaya ang alaala nito sa ginawa nitong paghalik sa aking noo?
Muling dumapo ang kamay nito sa aking pisngi. Hinaplos nito iyon ng marahan.
"You better go to sleep. Lumabas lang ako ng kwarto kanina kasi naamoy kita. Hindi mo pa pala sinasabi ang perfume mo sa akin. Naaadik na ako sa amoy mo." Natatawa nitong wika.
Sumimangot ako.
"Wala akong gamit na kahit na ano? Bakit sina manang, Trudis at Gaston hindi naaamoy ang sinasabi mo?" Reklamo ko.
Napalis ang ngiti nito sa sinabi ko. Kumunot din ang noo nito.
"Are you serious?" Hindi makapaniwala nitong tanong.
"Mukha ba akong hindi nagsasabi ng totoo?" sagot ko.
"I mean, hindi ko naman sinasabi na nagsisinungaling ka. Pero bakit ang bango mo?" Nagtatakang tanong nito.
Pinigilan ko ang matawa sa tinuran nito. Kung maaari ko lang sabihin na dahil sa fairy ako kaya nakahahalina ang amoy ko.
Ngayong alam ko na kung bakit mabilis niya akong natatagpuan. Siya lang ang namumukod tanging nakaka-amoy ng amoy ko.
Muli itong bumuntong hininga.
"Anyway, mas mabuti ng ako lang ang nakaka-amoy sa'yo. Hindi ko hahayaan na may iba pa lalong lalo na ang Val na iyon."
Hindi ko napigilan ang sarili na matawa sa sinabi nito. Paanong nadamay sa usapan si Val?
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Nakasimangot nitong turan.
"Wala," sabi ko sa gitna ng pagtawa. "Pwede na ba akong matulog?" tanong ko.
Naglakad ito patungo sa pintuan at kinapa ang seradora niyon. Pinihit nito iyon at tinanggal na ang pagkakahawak nito sa kamay ko.
Marahan niya akong tinulak palabas ng kwarto niya.
Nagtataka ko naman siyang tiningnan.
"Sige na, matulog ka na at baka kung ano pa ang magawa ko sa'yo. Pasalamat ka bulag ako at kaya kong magpigil. Kung hindi ay hindi ka makakalabas ng kwarto ko na hindi kita nahahalikan." Pagkatapos nito iyon sabihin ay sinara na nito ang pinto.
Naiwan akong nanatiling nakatingin sa nakasara nitong pinto.
Dapat na ba akong kabahan sa sinabi niya?