Inirapan ako ni Valencia ng ilang pulgada na lang ang layo ko sa kanya. Naglakad ito papalayo sa akin mabilis kay flash na sinundan ko ito ng lakad. "May problema ba tayo baby ko?" mukhang naging tunog guilty ang aking pagkakasabi kahit pa wala naman akong kasalanan. Mahilig pa naman ang mga babae na maghanap ng maghanap ng kasalanan para lang mapag-awayan. Iiyak din, ang mga babae sobrang hirap intindin. Parang problem lang sa math gawa ng gawa ng problema nagpapahanap naman ng solution. "Magsama kayo ng babae mo." Kita niya na hindi ko kina-usap ang babae pero ito pa din pala ang magiging problema namin. "I didn't talk to the girl Valencia." Mas binilisan nito ang kanyang lakad. Hanggang sa dumating ang birthday ng nanay ni Jay iyon pa rin ang problema namin. Ang tangging katabi ko

