Jhan Airel POV Halos mapadapa ako sa lupa ng makita kong nagmamakaawa si Rayven sakin, ni hindi ko akalain na gagawin nya yun sakin. Sobrang sakit sa puso ng makita kong umiiyak sya at nakaluhod sa harapan ko. Hindi mawala sa isip ko ang mga mata nya na nagsusumamo sakin at ang lalong nagpapasikip ng dibdib ko ay ang mga mata nyang walang bakas ng galit. Sobrang sakit! Bakit ko nagawa sakanya to? Bakit ko nasaktan ang taong gusto ko ng dahil lang sa pagiging selfish ko?! Kinuha ko agad yung cellfone ko sa bulsa at tinawagan si Renz. "Renz, may gusto akong malaman..." Sabi ko sa kalmado ng boses at pumasok na agad ako sa kwarto ko. Ni hindi ko nararamdaman yung gutom o antok dahil paulit ulit lang na nagpe-play sa isip ko yung mga mata ni Rayven na nagmamakaawa sakin..ayun lang ang naki

