CHAPTER 2

2447 Words
THIRD PERSON'S POV Biglang lumamig ang paligid at nakaramdam si Riann ng panlalamig sa sarili ng maramdaman nyang may pumasok sa loob ng katawan nya, kusang gumalaw ang katawan nito ng hindi nya kinokontrol. Umiwas ito sa lighter na malapit ng dumikit sa kanya na maaaring maging sanhi ng pagkasunog nya. Kakikitaan naman ng gulat ang mga mata ni Arriane ng makita ang isang Spirit na pumasok sa katawan ni Riann. Agad din nawala ang pagkagulat nito ng biglang lumiyab ang punong binabaan nung spirit na yun . Napalitan ng takot ang mga mata ni Arriane. "Hindi ko akalaing totoo pala ang alamat", natatakot na bulong ni Arriane sa sarili nito. "NATHAN TARA NA," sigaw ni Arriane sa lalaking lumabas sa bracelet nito kanina lamang. Walang emosyon itong tumango binuhat nito si Arriane at tumakbo ng mabilis na parang ninja. Riann's POV "A-ahhck" daing ko ng maimulat ko ang aking mga mata, masyadong masakit at nanghihina ang aking katawan, inilibot ko nalamang ang aking paningin at nakita kong naririto ako sa kwarto ko sa aming mansion. "Gising ka na pala princess" Nakangiting bati sakin ni Dad, nagtataka akong tumingin ditto dahil himalang nandito sya ngayon sa mansion naming . "Nakita ka ng mga tauhan ko sa labas ng mansion na walang malay, wala ka namang galos sadyang pagod kalang daw, okay kanaba?" Nag aalalang sabi ni Dad, tumango lang ako ditto at pinilit alalahanin ang nangyare. "Yung sementeryo," lumabas sa bibig ko. "Ano yun princess?" tanung ni dad. "Si arriane dinala nya ako sa sementeryo, binuhusan ng gasolina at itinali sa isang puno tapos hindi kuna alam ang nangyare." Sumasakit ang ulo ko kapag naaalala ko iyon, napatingin ako sa kwintas ni Dad na biglang kuminang. Napahawak ako sa leeg ko at biglang nagpanic ang kalooban ko ng maramdaman kong wala yung kwintas ko. "D-dad yung kwintas" kinakabahang sabi ko rito. "Hayaan muna muna yun, magpahinga kana at magpapadala ako ng pagkain ditto sa katulong kailangan ko nang umalis." Sabi nito sakin na tila umiiwas sa mga katanungan ko, wala n akong nagawa ng halikan ako nito sa noo at umalis. Mabilis akong tumayo para maligo sana ng may isang bagay na mahulog sa baba. "Saan to galling?" takang tanung ko, ipinagsawalang bahala ko nalang at itinago yun sa aking drawer saka ako pumasok sa Bathroom. Binuksan ko ang shower, saktong pagpatak ng malamig na tubig sa akin ay bumalik sakin ang nangyareng pag uusap namin ni Sean. Hindi ko maintindihan bakit hindi ako umiiyak pero nararamdaman ko yung sakit. Masakit para sakin yun, yung tao at relasyong iningatan ko ng ilang taon ay mawawala ng ganun ganun lang. Tinapos kona ang pag s-shower, lumabas ako ng shower room at napatingin sa malaking salamin na andito sa bathroom ko, napatingin ako sa mga mata ko na kulay asul at minsan ay nagkukulay abo. Sabi ni Dad ang ganitong klase ng kulay ng mata ay natural sa aming pamilya, yung kakambal ko ay ganun din ang mga mata kaya hindi na nakakapagtaka. Mabilis kong tinuyo ang buhok ko saka nagbihis, lumapit ako sa drawer kung saan ko inilagay ang Katanang Ginto. Hinawakan ko ito ng mahigpit at agad ding nabitawan dahil para itong may kuryente. Bigla kong naalala yung sinabi ni Dad nung isang beses na tinitrain ako nito kasama ang kambal ko. "Lagi mong tatandaan na hindi lahat ng armas na mahahawakan mo ay pwede mong hawakan ng basta basta kapag hindi ito para sayo hindi mo ito mahahawakan katulad ng Shuriken na hawak ng kakambal mo, pwede mong maangkin ang isang bagay kung alam mong wala pang nag mamay ari nito." Tama, siguro hindi para sakin ito, kaya sinara konalang ulit yung drawer ko kung saan nakalagay yung katanang ginto. Hahayaan ko nalang ito dahil tama si Dad, hindi ko pwedeng angkinin ang bagay na hindi naman sakin. Nagtataka naman akong muling ibinalik ang tingin sa drawer kung saan ko inilagay yung gintong katana. "Bakit hindi ko naramdaman yung kuryente kanina, ano bayan ang daya." Sabi ko sa sarili ko, at saka ako nahiga dahil tinatamad pa akong bumaba. "Teka ilang araw ba akong walang malay?" tanung ko sa sarili ko saka hinanap ang aking cellphone, nakita ko ito sa sidetable katabi ng pagkain na dinala siguro ng katulong. "f**k" nasambit ko nanaman, almost three f*****g days na pala mula nung mangyare ang insedenteng yun. Kung ganun ay malamang wala na ang aking kakambal at nakabalik na sa kanyang eskwelahan, hayst. Agad kong binuksan ang wifi ng phone ko at nagconnect naman agad yun sa wifi dito sa mansyon. Nag search ako ng tungkol sa sementeryong yun at walang ibang lumabas kundi isang balita, dali dali ko itong pinanuod . BLAG Nabitawan ko ang aking cellphone kaya ito ay nahulog . "ISANG MALAKING SUNOG ANG NANGYARE SA SEMENTERYO KUNG NAKATAYO ANG ISANG MALAKING PUNO NA SINASABI SA ALAMAT NA TAHANAN NG MAPANGANIB NA ESPIRITU NG NAMATAY NA REBELDENG MONGHE LIMANG DAANG TAON NA ANG NAKALILIPAS" Fuck, ang alam ko ay kasama dapat ako sa sunog na iyon pero anong nangyare bakit buhay na buhay ako ngayon? Pilit kong inalala ang nangyare nung gabing yun f**k. Sumasakit ang ulo ko kaya imbis na mahiga nalang dito ay pumunta ako sa opisina ni dad dito sa mansion. Sigurado akong nandun sya. "Oh princess." nakangiting bungad sakin ni Dad, naupo ako sa upuan nasa taapt ng table nya. "Si Ren?" nakakatampo dahil mukang umalis na yun ng wala parin akong malay tsss. "Umalis na kahapon , hindi sya pwedeng magtagal sa labas ng paaralan." sabi ni Dad kaya bumuntong hininga nalang ako saka tumayo. "Gusto mong magshopping?" natigil naman ako bago umalis at apatingin kay Dad, hindi ako nagkamali ng rinig right? "Sasamahan mo ako?" masayang tanung ko, ngumiti naman ito at tumango. Napatalon naman ako sa tuwa "YAY wait mo ako dad magbibhis lang ang maganda mong anak" masayang sabi ko rito at lumabas ng opisina nya. Mabilis akong nakapunta sa kwarto ko. Matapos mag bihis ay napatingin ako sa salamin, mayroon akong magandnag ngiti. Masaya ako hindi dahil magshoshoping kami pero dahil makakasama ko sya sa labas at makakabonding kahit na nakadisguise ako. Well this is the number one rule ni Dad, ang walang makaalam na anak nya ako ang alam ng lahat ay si Ren lamang ang anak nito and nung malaman ng iba yun ay dumami ang naghahabol at nagtatangka sa buhay ng aking kakambal. At naiintindihan ko naman si Dad at si Ren, they only want to protect me at saka ginagawa ni Dad lahat para hindi ako makaramdam ng inggit sa aking kambal kahit na si Ren lang ang kilalang anak ni Dad. "Dad I'm readyyyyy" makulit na sabi ko saka bumaba, nakangiti naman si Dad sakin . "Tara na" agad akong sumunod dito, pinagbuksan ako ni Dad ng passenger seat kaya agad akong umupo doon. "Anong gusto mong bilhin princess?" tanung ni Dad habang nagmamaneho, ganito palagi kapag may bonding kami wala kaming kasama kahit isang tauhan bakit pa we can handle our selves. "Cine muna tayo Dad then punta tayo sa Toy store namimiss ko na yung mga bata sa isang Bahay ampunan Dad ." nakangiting sabi ko rito. "Okay princess" saka ito nagmaneho na. ------------------------------------ Kasalukuyan kaming nandito sa isang French Restaurant, katatapos lang kasi naming manuod and mabilis akong nakaramdam ng gutom. "Kamusta na kayo ng boyfriend mo daughter?" tanung ni Dad, sinamaan ko ito ng tingin pero tumawa lang ito. I knew it alam nya yung nangyareng paghihiwalay namin kaya nya akong inilabas hmp. "Maybe he's not the right guy for you princes, masyado kapang bata your only 19 years old" sabi sakin ni Dad, tumango nalang ako rito. Tama 19 na kami pareho ni Ren,malamang kambal ko yun. Kaibahan lang namin Birthday ko December 31, while Ren's birthday is January 1. Weird ts -.- "Dad what if totoo ang multo ganun? yung mga espiritu?" tanung ko, natigil sya sa pagkain at tumingin sakin. "Kumain kana jan , nasobrahan kana sa kababasa ng Spiritual books" napapout naman ako at pinagpatuloy nalang ang pagkain. Pagkatapos namin kumain at agad kaming pumunta sa Toy Store para bumili ng mga laruan na ibibigay ko sa mga batang nasa ampunan na pag aari ni Dad. Doon kasi madalas dalhin ni Dad ang mga batang nasasagip nila sa mga illegal na bagay, pero lahat ng yun ay may kapalit. Nagsasanay ang mga ito upang paglaki ay magtrabaho sa mafia ngunit hindi naman pinipilit ni Dad ang mga batang iyun. Hinahayaan nya pati ang mga ito na mamuhay ng normal bilang isang bata. Nang matapos kaming mamili ay may mga Guard na angdala ng mga napili kong laruan. "Dad hindi kasya sa sasakyan mo yan" sabi ko kasi two seater lang ang sasakyan nito. "Alright" sabi nito at may tinawagan. Nilibot ko ang paningin ko saka ako napatingin sa Food store. "Dad Foods naman" tumango ito at ngumiti sa akin. Ang swerte naman nung girl Oonga dad daw siguro daddy nya ano? Yahh super handsome ng kanyang dad Omaygoshh Rinig kong bulungan kaya agad kong hinila si Dad at kumapit sa braso nito sinamaan ko ng tingin ang mga haliparot na nagbubulongan. "Calmdown princess ahaha" dahil sa ginawang pagtawa ni Dad ay lalong lumakas ang tilian. Mga pesteng to ang lalandi, tss sumbong ko sila kay Mommy once na Makita kuna ito !! Mabilis kaming natapos sa pamimili ng pagkain ni Dad at mga tauhan na ni Dad ang kumuha. "Race tayo dad" nakangising sabi ko rito, ngumisi rin sakin si Dad. Agad kaming pumasok sa elevator at may binuksang maliit na square doon kung saan nakalagay ang isang pindutan patungo sa underground ng Mall na ito. I forgot to mention na sa amin ang mall na ito. "Take care princess" sabi sakin ni Dad bago ako hayaang makapasok sa aking sasakyan na kulay pula. Inistart ko an ito ganun din ang ginawa ni Dad at umugong naman ang malaaks na tunog ng aming makina. Agad kong pinatakbo ang aking sasakyan, mabilis kaming nakarating sa highway. Ibinaba ko ang binatana sa tabi ko at tiningnan si Dad, binelatan ko ito saka ko pinaharurot ang aking sasakyan, malapit na ako papasok sa gate ng Ampunan ng biglang mag drift si Dad and shoot. Pasok na pasok ang sasakyan ni Dad tss napakadaya ni Dad. "Dinaya mo nanaman ako dad" sabi ko rito. "Hahaha nope princess kulang kalang talaga sa practice" natawang sabi nito, ngumso nalang ako. "Tara na sa loob tama na pagtatampo okay?" nakangiting sabi ni Dad kaya naman agad akong tumango at naglakad na. Sinalubong kami ng Madre na nagpresenta na mangalaga ng mga bata ditto . Malawak ito dahil mayroon din ditong training ground, ang mga bata ay may sariling mga kwarto ang bat dito. "Sir MacMillan Mabuti naman po at napadalaw kayo namimiss na raw po kayo ng mga bata " nakangiting sabi nito kay Dad, ngumiti si Dad ditto saka naman ito tumingin sakin kaya nginitian ko rin ito. "Pasok po kayo, Melinda tawagin mo ang mga bata sabihin mong maligo at magpabango dahil nandito si Sir MacMillan." nakangiting sabi nung Madre. Nakangiting sumunod ako sa mga ito, masaya ako na makita ulit ang mga bata. Sa totoo lamang ay mahilig ako sa mga bata dahil narin sa wala na kaming nakababatang kapatid ng kambal ko ay naging sabik ako sa mga ito. "Dad doon lang ako ha?" bulong ko kay daddy saka ako naglakad patungo sa playground kung saan nakita ko ang isang batang babae na tahimik na nag sswing. Hindi pamilyar ang muka nito sa akin siguro ay bago lamang ito. "Hello bago kalang ba dito? " Nakangiting tanung ko rito, tiningnan ako nito sa mata nagulat ako ng makitang purong puti ang mga mata nito. Nakakatakot. "Natatakot karin ba sakin?" Tanung nito sa akin, inalis ko ang takot sakin at nginitian ito. "Hindi naman, nagulat lang ako pero hindi ka naman nakakatakot." nakangiting sabi ko rito, ngumiti rin ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Sabi nung mama ko bago sya mamatay oras daw na hawakan ko ang kamay ng isang tao at titigan ang mga mata nito ay makikita ko daw ang hinaharap nila, pwede ko bang subukan sayo ate?" malambing na sabi nito, dahil sa boses nitong maliit ay nakakatuwa ang pananalita nito. Batid ko namang nakikita ako nito kahit na ganun ang kanyang mga mata. "Oo pwede mo subukan kay ate sabihin mo kay ate kung may makikilala syang gwapo ha?" nakangiting sabi ko rito, nagliwanag ang muka nito tanda ng pagiginf masaya saka ako nginitian ng malaki at tumango tango pa ng paulut ulit. Hinawakan nito ang aking mga kamay, "Ate tumitig ka sa mata ko" maliit na boses na utos nito. Agad ko naman itong sinunod. Nagulat ako ng unti unti akong makaramdamn ng init sa aking mga kamay kung saan nakahawak ang bata. "Galing ka sa isang basurang relasyon ate ngunit hindi mo kailangang malungkot dahil sa darating na araw makakakilala ka ng maraming lalake pero may nag iisa doon na tatatak sa puso mo" sinasabi nito, bigla namang kumunot ang noo nito "Kailangan mong mag ingat ate, maraming tatraydor sayo, hindi ka nila paniniwalaan ngunit kailangan mong maging matatag ate, ikaw ang makakawakas ng masamang kinabukasan at makapagliligtas sa iyong ina sana ay alagaan mo ang isang bagay na darating saiyo ng buong puso" Pagkatapos nya itong sabihin at kumurap ito, kaya napakurap narin ako. "Magtiwala kalang sa blessing na darating sayo ate at ililigtas ka nito sa kahit na anong sakit." nakangiting sabi nito sakin . Nginitian ko rin ito, "Kanina pa tayo nag uusap pero hindi ko parin alam ang iyong pangalan"Sabi ko rito. Bigla naman itong namula at umastang nahihiya kaya napatawa ako. "Ako nga pala si Ate Riann, ikaw anong pangalan mo?" sabi ko rito. Bumaba ito ng swing at mas lumapit pa sa akin. "Ako si cherry ate riann" Nakangiting sabi nito. "Tara na sa loob cherry nandoon sila Dad marami kaming dalang pagkain at laruan." nakangiting sabi ko rito at binuhat ito. Nakakatuwa lamang dahil kahit na maliit pa ito ay tuwid na itong manalita hindi lamang iyon dahil napakagalang pa nito. --------------------- "Maraming salamat sa inyo Maam at Sir " nakangiting sabi sa amin ng madre na nangangalaga sa mga bata. "Mauuna na po kami, tumawag nalang po kayo kung mayroon mab po kayong kailangan." Nakangiting sabi ko rito at tumalikod na. Naunang maglakad si Dad, kaya nasa likod ako nito. "Ate Riann" lumingon ako ng may marinig akong maliit na boses, nakita ko si Cherry na tumatakbo habang dala dala ang maliit na stuffed toy na panda. "Ano yun baby cherry?" nakangiting sabi ko rito. "Iintayin ko pagbalik mo ha ? atsaka pag balik mo sigurado akong kasama mona yung lalaking sinasabi ko sayo hihihihi" tumatawang sabi nito, tumango ako rito at ngumiti. Bigla naman  ako nitong hinalikan sa pisngi at muling tumakbo papasok. Kumakaway nalang ito sa akin kaya ganun din ang ginawa ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD