Chapter 29 Alena Mahigpit ang yakap ko kay Daddy, nang makalapit ako sa kaniya. "Kumusta naman ang ilang oras mong bakasyon sa Bicol?" tanong ni daddy sa akin. Tinanggal niya ang sunglasses sa aking mga mata at nagulat siya ng makita na namamaga ang mga mata ko sa kakaiiyak. "Ayos lang po, Dad," sagot ka sa tanong niya. "Bakit namumugto ang mga mata mo? May umaway ba sa'yo roon?" nag-aalala nitong tanong sa akin. Ang iniisip ko papagalitan ako ni Daddy dahil hindi ako nagpaalam sa kanila ni Mommy na pupunta ako ng Bicol. Subalit sa halip na pagalitan niya ako ay binibiro niya pa ako. "May iba na siyang mahal, Dad. May iba na siyang kasama sa bahay namin," sumbong ko kay Daddy at hindi na naman napigilan ang mga luha na pumatak mula sa aking mga mata. Hindi nakasagot si Daddy

