Chapter 15 Alena Kinabukasan maaga akong nagising. Hindi muna ako bumangon dahil pinagmasdan ko ng maigi ang gwapong mukha ni Rico. Dahan-dahan ko siyang hinagkan sa kaniyang pisngi. May mga sumilay na luha sa aking mga mata habang iniisip ko na ito na ang huli naming pagsasama. "Mahal na mahal kita iyan ang palagi mong tandaan," bulong kong sabi sa kanya. Mahimbing ang kaniyang tulog. Alas-kwatro pa lang naman kasi ng madaling araw. "Kung darating man ang araw na hindi na tayo magkikita pang muli at magkaroon na tayo nga sarili nating pamilya lagi mong tatandaan na hindi ka mawawala sa puso ko. Masaya ako na nakilala kita at naging bahagi ka ng buhay ko," mahina kong sabi kay Rico. Masakit para sa akin ang mawalay kami sa isa't isa. Subalit ito ang nararapat para sa aming dalawa

