Chapter 13 Alena Aalis na lang sana ako nang sa ganoon tumahimik na ang bunganga ni Mama. Subalit walang tigil pa rin ang pagbubunga nga nito sa akin "Nagsasalita pa ako sa'yo Alena, kaya huwag mo akong talikuran. Ang bastos ng ugali mo. Alam mong nagsasalita ako rito tatalikuran mo ako? Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?" Medyo napikon na ako sa pagbubunganga ni Mama. Pati ba naman ang mga magulang ko ay nadamay na. Ayaw ko pa naman sa lahat na dinadamay ang mga magulang ko na nasa himlayan na nila. Bumaling ako kay Mama. "Ano pa ba ang gusto mong gawin ko, Ma? Nagmamahalan kami ni Rico. Bakit gustong-gusto mong maghiwalay kami? Matutupad namin ang mga pangarap namin na magkasamang dalawa," sabi ko sa kaniya. Lalo niya pa akong pinalakihan ang kaniyang mga mata. "Iyon an

