Chapter 18 Rico Umasa ako sa mga pangako niya. Umasa ako na hindi niya ako iiwan. Kahit ano pa ang hirap ng buhay namin akala ko kaya niyang magtiis hanggang sa matupad namin ang aming mga pangarap. Subalit bakit gano'n? Umalis siya na wala man lang paalam. Paulit-ulit kong tinatanong sa aking sarili kung anong nagawa kong mali? Bakit bigla na lang siyang umalis? Kung kailan nagbago ako at nagsusumikap para sa aming dalawa saka naman niya ako iniwan. Masakit ang ginawa sa akin ni Alena. Lahat ginagawa ko para sa aming dalawa. Umaasa ako na balang araw makakaahon din kami sa hirap at magkasamang dalawa hanggang sa pagtanda namin. Mahirap mag-isip kung ano ang dahilan kung bakit niya ako iniwan at hindi man lang siya nagpaalam? Nangako siya sa akin na kahit anong mangyari hinding-hindi

