Chapter 26 Alena Pagdating ko sa labas ay pinag-uusapan nila ang bagong pumasok na bisita na si Samuel. "Ate Alena, ipakilala mo naman kami roon sa gwapong lalaki na pumasok kanina lang," kinikilig pa na sabi ni Renzy. "Kaya nga, Ate Alena. Pinakilala mo nga kami kay Gilbert, sana ipakilala mo rin kami roon sa isa niyong bisita," sabi naman sa akin ni Jenjen. Natatawa na lang talaga ako sa kanila. "Kung gusto niyo siyang makilala pumunta kayo roon sa loob at kayo mismo ang magpakilala sa kaniya," sabi ko sa kanila at ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. "Sino 'yong tisoy na iyon?" tanong naman ni Gilbert sa akin. "Anak ng kaibigan nila Mommy at Daddy. Yayain ko rin sana rito kaso mukhang masungit," nakangiti kong sagot kay Gilbert. "Sana niyaya mo rito, Alena. Para naman makilala n

