Chapter 42 Rico Lumipas pa ang mga taon kasalukuyan nandito ako sa opisina. Hindi ako mapakali dahil nakita ko si Alena, kahapon ng hapon kasama ang isang tisoy na lalaki, habang kumakain sila sa restaurant na pinagkakainan namin ni Matteo. Marahil iyon ang lalaki na tinutukoy ni Mama, noon na nakita niya ilang taon na ang nakalipas. Bumalik ako sa Amerika, upang asikasuhin ang negosyo ko roon. Ilang taon din ako nanatili roon. At ang negosyo ko rito na vehicle ay inasa ko muna kay Matteo. Kararating ko lang din galing sa Amerika. Iniwan ko lang muna saglit ang negosyo ko roon sa Amerika at si Rochelle, ang nagma-manage roon. Sa kompanya ko sa Amerika si Rochelle, nagta-trabaho. Nagkaroon ito ng boyfriend na Amerikano, kaya pabor din sa kaniya na roon magtrabaho hanggang sa pareho

