Chapter 20 Alena Nakaupo ako sa sofa habang nakaharap kina Mommy at Daddy. Gabi na at bago kami kumain ay sinabi namin ni Mommy, kung ano ang result ng check up ko. "Ilang buwan na ang pinagbubuntis mo, iha?" tanong ni Daddy sa akin. Kalmado lang palagi ang boses nito. Bahagya muna akong tumingin kay Mommy, bago ko sinagot ang tanong ni Daddy. "Tatlong buwan na po Dad, at isang linggo. Kung ano man po ang desisyon ninyo tatanggapin ko po. Babalik na lang po ako sa San Jose," sabi ko kay Daddy. "At ano naman ang gagawin mo roon?" tanong naman sa akin ni Mommy. "Babalik po ako sa boyfriend ko. Sasabihin ko sa kaniya na buntis ako, subalit hindi ko po sigurado kung tatanggapin niya pa ako," mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanila. Bumuntong hininga ng malalim si Daddy. "Hindi ka babal

