Chapter 51 Alena Ilang araw na lang sasapit na ang kaarawan ni Almira, subalit hindi man lang ako tinatawagan ni Samuel. Hinayaan ko na lang siya para makapag-isip siya ng maayos. Narito ako ngayon sa office ko habang kino-compute ko kung ilan na ang nabinta naming mga ilaw at tiles. Ilang sandali ang lumipas kumatok sa akin si Margie. "Ma'am, may bisita po kayo nais po kayong makausap," sabi ni Margie sa akin. "Sino raw?" tanong ko sa kaniya. "Hindi niya sinabi ang pangalan niya, Ma'am. Customer daw siya natin," sagot ni Margie sa tanong ko. 'Sige, papasukin mo na lang dito sa opisina ko," tugon ko sa kanya habang ang mga mata ko ay nasa monitor. Lumabas na si Margie at tinawag ang bisita ko. Nagta-type ako sa keyboard ng pumasok na ang bisita na sinasabi ni Margie. "Good m

