Hindi ako makatingin ng diretso sa mata ng nilalang na nasa harap ko kaya medyo iniyuko ko nalang ang mukha ko. Oh my. If only his cold looks could freeze a thing, malamang nagyeyelo na ako dito. Mas cold pa siyang tumingin kesa kay Viex. Kaya siguro siya naging leader ng wolves. I can feel that I should stay away from him. “Heiress, huh?” rinig kong sabi ng isang baritonong boses. I looked up to meet his eyes. He’s still looking at me. Siya ba yung nagsalita? Sino’ng kausap niya? “Aahh!” nagulat ako nang biglang may humawak ng mahigpit sa dalawang kamay ko mula sa likod. “Wren! Stop it!” and before I knew it, nasa likod ko na siya. Bigla nalang tumakbo si Yana papunta sa taong nasa likod ko. But Wren did not let go of my hands. Instead, hinila niya pa ako papalapit sa kanya. I can fee

