Mabilis kong inayos ang sarili ko at saka naglakad pababa para kumain. Sinabihan ko si Viex na huwag bubuksan ang pinto ng kwarto ko. Baka kasi may umakyat sa taas tapos makita pa siya. Hindi ko alam kung bakit natatakot akong makita nila Mimi si Viex. Wala rin kasing ibang lalaking nagpupunta sa bahay bukod kay Nijel. Hindi kasi ako komportableng may pinapapunta sa bahay namin. And great! Ngayon may tinatago akong lalaki at sa kwarto ko pa, without the consent of my parents. “Tagal mo namang magbihis. Gutom na ako e.” bumungad sa’kin ang nakasimangot na mukha ni Cyrus habang nakahawak sa tiyan niya ang kaliwang kamay niya. Nakatayo siya sa dulo ng hagdanan at nakatingala sa’kin. Naka gray polo shirt siya at white na shorts tapos vans shoes. Yan ang usual niyang suot. Tapos ang gwapo pa

