Pagkatapos kong kausapin si Daddy ay bumalik na ako sa kwarto ko. Ang sabi niya, magpahinga na raw muna ako dahil magkakaroon ng kainan mamaya. Alam na rin kasi ng buong palasyo na nagbalik na ang hari. Nakakatuwa nga dahil sobrang saya nilang lahat. Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari habang wala siya. Yung pag-atake samin sa Mystic Palace. Yung libro. Yung kasal nila Viex at Roanna. Yung pagmi-meet namin ni Leo Arunafeltz pati na rin yung traydor na nagtatago dito sa Lairhart. Nagtaka nga ako nang hindi na magulat si Dad sa mga nalaman niya. Siguro ine-expect niya na rin talagang hindi magiging madali ang lahat ngayong nagbalik na kami dito. "Drane." Tawag ko kay Drane nang makita ko siyang nakikipag-usap sa isang kawal na nagbabantay sa kwarto ko. Tumingin siya sa'kin at nagbow.

