A week passed... "Bakit ka ba sunod ng sunod?" Naiinis na tanong ko kay Wren. "Bakit ba reklamo ka ng reklamo?" Pabalang na namang sagot niya. Napakasama talaga ng ugali! Nakakainis! Geez. For a week, lagi siyang nasa bahay. Kung saan ako pumunta, nandun rin siya. Parang gusto niya nga yatang pati sa banyo, sundan niya ako e! Isang linggo ring sumasakit ang ulo ko dahil puro siya lang ang nakakausap ko. Akala ko pa naman, makakapagpahinga ako sa two weeks na bakasyon pero mukhang wala yata siyang balak na patahimikin ang mundo ko. Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. Nakangisi na naman siya na akala mo nanalo siya sa lotto. "It's not funny, Wren. Seriously." I rolled my eyes at him but he just flashed his infamous grin at me. Napipikon na ako pero ano naman silbi? He still

