6:50pm na natapos mag-ayos ng stage kaya nakapatay na halos lahat ng ilaw. Tanging mga ilaw lang yata ng mga food stalls ang meron kami dito sa likod ng crowd. Dito kami pumwesto ni Viex dahil masyadong siksikan sa harap. Kanya-kanya na rin kasing pwesto ang mga students habang nag-uusap-usap. Nasa backstage na rin yung mga wolves at nagre-ready para sa concert since 10minutes nalang ang meron sa kanila. Kinakabahan ako para sa kanila. Since ten silang lahat, mahahati sa dalawang group ang tutugtog. Hindi ko lang alam kung paanong paghahati ang gagawin nila. “Nasaan na kaya yung iba?” I asked, nonchalantly. Tumingin-tingin ako sa paligid ko para hanapin sila but unfortunately, wala akong nakita. Wala rin naman akong nakuhang sagot mula kay Viex. Well, Viex is Viex. May mga bagay talagang

