Hindi malaman ni Grace kung ano ang gagawin nang makita niyang nagpapambuno na sina Rex at Dino. Natataranta siya and at the same time ay nag-aalala para kay Rex. Alam niyang sanay si Dino sa gulo, dahil na rin sa ilang beses na pagkasangkot nito noong sila pa. Mukha lang maamo ang mukha ni Dino pero malademonyo naman ang ugali nito. “Shocks! Bakit ngayon ko lang na-realize iyon?” nasambit pa niya sa kaniyang sarili saka muling napasilip sa bintana. Nakita niyang natamaan si Rex ng suntok ni Dino kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pa at mabilis na binuksan ang pintuan ng kaniyang apartment. Aawat na sana siya nang makita niyang namimilipit na sa sakit si Dino habang sapo nito ang tiyan. Mukhang nakaganti si Rex at labis niya iyong ikinagalak. Mas nagalak pa siya nang marinig niya

