“Mahal!” Ngiting-ngiti si Rex habang malalaki ang hakbang na lumalapit kay Grace. Patakbo naman siyang sinalubong ni Grace at patalon na yumakap sa kaniyang leeg. Tuwang-tuwa naman siyang binuhat ito at hinalikan ang pisngi nito. Sabik na sabik siyang mayakap at mahagkan ang kaniyang kasintahan. “Welcome home mahal!” sambit ni Grace sa kaniya bago siya siilin ng halik ng kaniyang kasintahan. Tinugon naman niya ang halik nito at wala na sanang balak na putulin iyon kung hindi lang may istorbong gumambala sa kanila. “Wheeew! Ang intense! Sa bahay na ninyo ituloy iyan Captain!” wika ni Marvin sa kaniya. Kaya naman ayaw man nila, napilitan na rin silang maghiwalay ni Grace. Ibinaba na niya ang kaniyang kasintahan at inakbayan itong humarap sa kanyang mga kaibigan. “Mga istorbo at inggiter

