Chapter 46

1994 Words

Araw ng Sabado at ngayon nga ay bumabiyahe na sila ni Rex. Hanggang nang mga sandaling ito, hindi pa rin sinasabi ng kasintahan kung saan sila pupunta. Pero ang daang tinatahak nila ay pamilyar sa kaniya. “Mahal, saan ba kasi talaga tayo pupunta? Parang alam ko kung saan ito e,” pangungulit niya sa binata. “Basta, relax ka lang diyan. Ang mabuti pa matulog ka muna para paggising mo naroon na tayo,” nakangiti namang tugon sa kaniya ni Rex. “Pamilyar sa akin ang daang ito e. Pauwi ito sa atin ‘di ba?” pamimilit pa rin niya rito. “Secret! Pero tama ka.”  Natawa naman si Grace sa isinagot ni Rex. Secret, pero tama siya. Napailing na lang siya habang itinutok na lang ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan nito. Matagal-tagal na rin simula nang umuwi siya sa kanilang bayan, kaya naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD