Yakap-yakap ni Grace ang kaniyang mga tuhod habang nakaupo sa sofa nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Mabilis niya iyong dinampot at nagpahid ng kaniyang mga luha nang makita kung sino ang tumatawag na iyon sa kaniya. Bigla ang pagsirko ng kaniyang puso nang makitang si Rex ang tumatawag na iyon sa kaniya. Gusto sana niyang ignorahin ang tawag nito dahil nagtatampo siya rito. Pero ewan ba niya, parang biglang nalusaw ang tampo niya sa kasintahan. “Hello, mahal,” umpisa ni Rex nang sagutin niya ang tawag nito. Agad naman siyang napahikbi at muling tumulo ang kaniyang mga luha. Para siyang bata habang hilalaro ang laylayan ng kaniyang suot na damit. “Sorry. I am not saying sorry dahil nagkamali ako, but I’m saying sorry dahil pinag-isip kita. Please mahal, pakinggan mo muna ako. Look, n

