Kinakabahan si Grace na hindi niya maintindihan para sa date nila ni Rex. Isang pulang bestida ang kaniyang isinuot na umabot hanggang sakong ang haba niyon. Halter ang damit at labas ang kalahati ng maputi at makinis niyang likuran. Habang ang saping pampaa niya ay nakasuot ng puting sandals na may taas na dalawang pulgada. Itinali niya ang kaniyang buhok pataas at nag-iwan ng ilang hibla sa gilid niyon. Simple lang rin ang kaniyang make up upang magmukha pa ring natural ang kaniyang ganda. Nakailang ulit na siyang sumulyap sa salamin upang tingnan ang kaniyang sarili, at nakailang ikot na rin siya sa loob ng kaniyang kuwarto upang kumalma ang kaniyang puso. Ngunit, parang wala naman iyong dating sa kaniya. Dahil habang papalapit nang papalapit ang oras, ay siyang paglakas naman ng pinti

