Chapter 2.

1073 Words
“Alam mo ba best, kilig na kilig talaga ako nang kamayan ko si Rex kanina. Ang lambot ng mga palad niya, tapos ang tigas ng mga muscles! Parang ang sarap magpakulong sa mga bisig niya!” kinikilig na kuwento ni Kath kay Grace. Kanina pa siya natutulig sa kakatili at kakukuwento ng kaniyang kaibigan tungkol kay Rex. Simula nang puntahan siya nito sa kanilang bahay ay hindi na ito tumigil sa paulit-ulit nitong kuwento tungkol sa binata. Saulo na nga niya iyong kuwento ng kaibigan eh. “Kung wala lang iyong mga kaibigan niya, malamang na niyakap mo na siya!” Umiikot pa ang eyeballs niya habang sinasabi iyon sa kaibigan. Siya na ang nagtuloy dahil alam niyang iyon ang kasunod na sasabihin nito sa kaniya. Bumangon ito mula sa pagkakahiga sa kaniyang kama habang yakap ang kaniyang unang kulay pink. Nagniningning ang mga mata nitong humarap sa kaniya, habang siya naman ay busy sa pagtitirintas ng kaniyang buhok sa harap ng salamin. “Paano mo nahulaan iyon?” tanong pa ng bruha niyang best friend sa kaniya. “Duh! Kanina mo pa kaya ikinukuwento iyan sa akin ng mga twenty times na yata? Dudugo na nga ang tainga ko sa kuwento mo e!” nakabusangot niyang saad sa kaibigan. Pabagsak namang humigang muli ito sa kaniyang kama at parang baliw na nakangiting mag-isa habang nakatitig sa kisame. Yakap pa rin nito ang kaniyang unan at tila nangangarap na si Rex ang kayakap nito. Natawa na lang siya rito habang pinagmamasdan ito sa salamin. Nilalagyan na niya ng laso ang kaniyang buhok nang biglang tumili si Kath na siyang ikinalingon niya. “Huyyy! Bakit ka tumitili?” saway pa niya sa kaibigan. Bumangon ito mula sa kaniyang kama at naupo roon habang nakangiting nakatingin sa kaniya. Napataas naman ang isa niyang kilay at naghihintay nang sasabihin nito sa kaniya. “Mahal ko na siya best!” sabi pa nito sa kaniya. Inirapan naman niya ito saka muling humarap sa salamin. “Hoy best! sabi ko mahal ko na siya!” ulit pa nito sa kaniya. “Tigilan mo ako Katherine Joy! Mahal na agad? Bakit ano ba kayo ni Rex?” tanong niya rito. “Hayyy naku best, boyfriend ko na kaya si Rex! Hindi lang namin pina-public kasi alam mo na,” sagot pa nito sa kaniya. Muli niyang nilingon ito na ngayon ay nakangiting pinagmamasdan ang mga kuko nito sa kamay. Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at saka lumapit sa luka-luka niyang kaibigan. Nang makalapit siya rito ay agad niyang hinila ang buhok nito saka pinamaywangan. “Malandi kang babae ka! Kailan pa kayo naging mag-boyfriend, girlfriend aber? Bakit ngayon ko lang nalaman ito?” usisa niya sa kaibigan. They were best friends since elementary, how could she not tell her about Rex? Wala bang balak sabihin ng kaibigan ang tungkol sa relasyong namamagitan sa mga ito? Imbes na mainis ay tinawanan pa siya ng baliw niyang kaibigan. Bumubungisngis pa ito sa kaniyang harapan nang kurutin niya ito sa tagiliran. “Hoy! Babaeng harot, ano na? Magkuwento ka na kung ayaw mong kalbuhin kita ngayon diyan!” pagbabanta pa niya rito nang hindi pa rin ito tumitigil sa pagbungisngis. Umayos naman ito ng upo saka hinawi ang buhok nitong hanggang baywang ang haba, at dinala iyon sa kaliwang balikat. Hinila pa siya nitong paupo sa kaniyang kama upang mas magkarinigan sila nito. “E kasi best, secret lang namin iyon e. Alam mo naman bawal pa akong mag-boyfriend ‘di ba? Tapos captain ball pa siya ng team, kaya we decided na itago na lang muna ang relasyon namin hanggang sa maka-graduate tayo ng college,” paglalahad nito sa kaniya. “Uyyy, best huwag kang maingay ha? Naku baka magalit sa akin si Rex kapag nalaman niyang sinabi ko sa iyo ang tungkol sa amin,” sabi pa nito sa kaniya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kaniyang nalaman ngayon. Never naman naglihim sa kaniya ang best friend niya, ngayon lang dahil nga sa umano ay usapan nito at ni Rex. “Grace! Huyyy! Magsalita ka naman diyan. Promise me you won’t tell anyone na alam mo iyong tungkol sa amin ni Rex ha?” untag pa nito sa kaniya. Para naman siyang natauhan sa sinabing iyon ng kaibigan kaya napatango-tango na lamang siya rito. Nalukot naman ang mukha ni Kath nang hindi man lang siya umimik sa sinabi nito. Paano naman kasi siyang magre-react kung maski siya ay nabigla sa kaniyang nalaman? “Nakakainis ka naman best e! Hindi ka ba masaya para sa best friend mo?” nakalabi pa nitong tanong sa kaniya, sabay yuko nito sa kaniyang unang nakapatong sa mga hita nito. Tila naman siya nakonsensiya sa sinabi nito kaya ginagap niya ang kamay ng kaibigan saka iyon tinapik-tapik. Humugot muna siya nang malalim na paghinga saka ngumiti sa kaibigan bago magsalita. “Of course I’m happy for you best. Nabigla lang talaga ako sa sinabi mo kaya hindi agad ako nakapag-react. Pero masaya ako para sa iyo, and makaaasa kang hinding-hindi ko ipagkakalat na kayo na ni Rex the captain playboy!” Nagniningning naman ang mga mata ni Kath na lumingon sa kaniya. “Talaga? Promise ha? Ayaw kong mag-away kami ni Rex dahil dito,” sabi pa nito sa kaniya. “Oo na nga! Hayst, kahit hindi ko alam kung bakit mo nagustuhan ang captain playboy na iyon, masaya pa rin ako para sa iyo,” sambit niya sa kaibigan. Sa sobrang saya ng kaibigan ay niyakap pa siya nito nang mahigpit. Natawa naman siya sa inasal ng kaniyang kaibigan habang gumaganti siya ng pagkakayakap dito. Saglit lang ang pagyayakapang iyon bago niya muling kinausap ang kaibigan. “Basta Kath, huwag na huwag ko lang makikitang umiiyak ka ng dahil sa lalakeng iyon. Kung hindi, makakatikim sa akin ang lalakeng iyon!” pagbabanta pa niya rito. “Relax best. He loves me, kaya alam kong hindi ako paiiyakin ni Rex. But thank you for your concern, I’m so greatful to have you as my best friend! I love you!” sabi pa nito saka siya muling nilyakap ng kaibigan. “I love you too best!” ganting saad naman niya rito. Para na niyang kapatid si Kath kaya ganoon siya ka-protective rito. Kaya kung sasaktan lang din naman ni Rex ang kaibigan, magtago na ito sa saya ng nanay nito. Kahit gaano pa ka-popular ito sa kanilang school, hinding-hindi ito makaliligtas sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD