“Alam mo best, makita ko lang talaga ang babaeng ipinagpalit sa akin ni Rex, makikita niya! Naku, mas maganda naman ako ng ‘di hamak sa babaeng iyon e.” Muntik pang maibuga ni Grace ang iniinom niyang tubig nang bigla-biglang banggitin ni Kath ang tungkol sa rumor girlfriend ni Rex. Mabuti na lang talaga at hindi kita ang mukha niya sa mga pictures na kumakalat sa social media. Dahil kung hindi, malamang na sa mga oras na ito, isinusumpa na siya ni Kath. ‘Kung alam mo lang best,’ bulong ni Grace sa kaniyang sarili. Nakokonsensiya siya sa kaniyang kaibigan at gusto na niyang sabihin dito na siya ang rumor girlfriend ni Rex. Kaso natatakot siyang baka magalit sa kaniya si Kath. Siguro pahuhupain na lang muna niya ang issue bago niya sabihin kay Kath. “O, okay ka lang?” tanong ni Kat

