VINA'S POV . . Napakaraming bampira! Hindi ko alam san ang mga ito galing, akala ko ba bawal makipag p*****n ang mga bampira lalo na sa mga Ragana? Kasama ba ito ni Davina? Anong nangyari? tinignan ko ang mga ito atsaka napaatras, siguro ito iyong mga grupo ng mga bampirang walang sinusunod na batas at naging alipin lang sa kung ano ang inuutos ng kanilang lider. Nanlaki ang mata ko ng may paparating sa direksyon ko buti nalang malapit lnag ako kay Rickey kaya siya ang humarang atsaka ito sinuntok ng malakas. Malakas at mabilis si Rickey, hindi na ako magtataka kung bakit isa siya sa pinagkatiwalaan ni miss Nena. "Kunin mo to, bumalik ka ulit sa kampo mas lalong dumami sila napaka delikado na rito." sabi niya at inabot sakin ang isang baril, inabot ko naman ito tsaka siya nagpat

