CHAPTER 2
Andito ako ngayon sa kwarto nagmumokmok,sino ba naman ang matutuwa kong isang engkanto nakakuha ng unang halik mo?tangina kakabwisettt!
“Oy agatha!"
“tangina talaga!" inis na usal ko habang nagpapadyak padyak sa higaan.
“Agatha!"
Agad ko namang ulit naalala ang nangyare kanina,hindi siya mukang engkanto dahil malambot at makinis ang mga palad nito,tss.
“Aray naman!" usal ko habang hinihimas ang batok ko dahil sa malakas na pagbatok ni ate sa ulo ko.
“Kanina pa kita tinatawag."Sabi sakin ni ate mira
“Ano ba yon?" takang tanong ko makabatok to eh,kong d ko lang to kapatid tinadyakan ko na to
“Baba na daw sa ni nanay, handa na ang haponan!" Malakas na pag kakasabi niya at diinan pa kada letra,ampuchi naman oh.
Umiling iling ako at agad ng tumayo ngunit bigla na naman akong nahilo dahil sa sakit ng ulo ko,napahinto ako saglit habang hawak hawak ang ulo ko dahil sa sakit
Isang alaala na naman ang pumasok sa isipan ko.
”Kuyaaa!!!"sigaw ng batang umiiyak nasa gilid ito ng tulay at malakas ang ulan.
“Bunso magpakabait ka,mahal na mahal ka ni kuya." at unti unting binitawan ng lalaki ang pagkakahawak niya kaya ito nahulog sa tulay,gusto ko siyang tulungan pero hindi ko magalaw ang mga kamay ko.
At hindi ko na pala namalayan na may tumulo ng butil na luha sa mga mata ko,nakaramdam dn ako ng sakit at pangungulila.
“hoy Agatha! bat ka tulala jan at umiiyak?" takang tanong sakin ni ate mira
“Wal-"
"Sure ka?" Tanong niya ulit sakin,feeling ko nay kulang sakin.
“Oo naman ate ano kaba." nakangiti kong usal sa kanya
“Segi bumaba kana jan at kakain na."Sabi sakin ni ate mira at umalis na.
Inayos ko naman ang sarili ko at himinga ng malalim,kaya ko to.
“Hoahhhh!" pagkukumbinsi ko sa sarili ko at huminga ng malalim
Pagkatapos kong ayosin ang sarili ko ay bumaba na ako dahil ayaw ni tatay na pinaghihintay ang grasya.
Andon na silang lahat sa hapagkainan ng makaratin ako.
“Oh anak umupo kana jan,at kakain na tayo."Sabi ni nanay,hindi naman ako sumagot at lumapit sa upuan ko.
Lumaki ang mata ko at natuod ako sa kinatatayoan ko ng makita kong sino ang nasa harapan ko.
Bumilis ang t***k ng puso ko habang pinagmamasadan ang taong nasa harapan ko,Ang mga mata nitong kasing kulay at lamig ng asul na karagatan na para akong hinihipnotismo.
“I-ikaw?" Hndi makapaniwalang turan ko habang itinuturo ito.
Ngunit tiningnan lang ako nito ng malamig na siyang lalong kinainis ko.
“Bakit anak may problema ba sa boss ko?" takang tanong sakin ni tatay.
“W-wala heheheheh." kinakabahan kong sagot kay tatay.
“Maupo kana at kakain na tayo." sambit naman ni nanay.
Habang kumakain kami ay napansin ko ang batang nasa tabi nito,tama sila ate mala anghel ang muka nito dahil sa ganda at puti niya ngunit mababakas dito ang walang kabuhay buhay at malungkot na aura.
Tumingin ulit ako don sa sinasabing boss ni tatay ng magtama ulit ang mga mata namin,kaya nagsimula na namang bumilis ang t***k ng puso ko.
Kumakain lang ako habang sila ay nagkukwentohan at nagtatawanan,Harvin Siniel Marquez pala ang pangalan niya at isang tanyag na business man,27 years old at may anak na lalaki na si Brixben Marquez,5 years old palang.
“Uhm s-sir pwede pong magtanong?"
rinig kong tanong ni aila.
“Sure."
“Nasan na po ang ang a-asawa niyo?" kinakabahang tanong nito
Napatingin naman ako sa tanong nito,nakita kong tumahimik ito.
“She already died." Simpleng sagot nito.
Nakikita ko sa bata ang bata ang lungkot,tanggap niya kaya?nawala na siyang ina?nakakaawa.
Napansin ko dn tumahimk sila,akita ko rin sa mga mata ng mga ate ko ang lungkot.
“Tss,kumain na nga kayo." inis na singhal ko sa kanila
”Ah haha kain na kayo para makapag pahinga kayo na maaga." pag iiba ni tatay ng usapan habang awkward na tumatawa.
“Agatha pagkatapos mong kumain jan,tulungan mo si aila na ayosin ang kwartong tutuloyan nila si harvin." utos samin ni nanay,tango tango lang sagot ko dahil puno pa ng kanin ang bibig ko.
Pagkatapos naman naming kumain ay nagprisinta na si ate ayiel na siya na daw ang maghuhugas ng pinggan at ako naman ay umakyat na para ayosin ang higaang tutuloyan nila sir harvin at anak niya.
“What are you doing here?"
“Ay kabayo!" gulat akong napatalon ng may marinig akong malamig na boses sa likod ko habang inaayos ang bedsheet ng kama.
“Kabayo?" takang tanong nito
“W-wala sir." kinakabahan kong turan dito.
“Come here." Malamig niyang utos sakin
Dahil sa sobrang kaba ko naman ay mabilis akong lumapit dito,habang papalapit ako ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
“P-po?" kinakabahan kong sagot dito.
“what's your name?" tanong nito.
“A-agatha galves po." magalang kong sagot dito, tss kinakabahan na talaga ako.
“You have a nice name." nakangising turan nito.
“Ta-tapos na po sir,a-aalis na po ako." kinakabahan kong sagot dito ngunit bago pa man ako maka alis ay mabilis ako nitong isinandal sa pader na lalong kinabilis ng pagtibok ng puso ko,para akong aatakehin sa puso sa sobrang lapit niya.
Hawak hawak niya ang isang kamay ko at dahan dahang lumapit sa tenga ko halos magwala ang puso ko ng tumama ang hininga sa leeg ko.
“Nice to meet you Agatha." bulong niya sa tenga ko na ikinatayo ng buhok sa batok ko,nakakaakit ang boses niya.