9am . Kasalukuyan kaming nasa byahe ni Spencer, matapos namin mag usap kanina ay agad na din Kaming umalis sa mansion.
Hindi ko alam kung saan ba kami pupunta nito , eh paano , kanina pa kami tahimik na dalawa .
Walang imikan , grabe !
Hindi ko na ata mabilang kung ilang beses na akong lumunok ......
Ang tahimik! Di ba mapapanis laway Namin nito?!
"Uhm.." basag ko sa katahimikan "Saan ba tayo pupunta?"
"Mall" maikling sagot nito.
"Mall? Bakit? May bibilhin ka ba?" Tanong ko dito na nagpakunot ng nou niya .
"Hindi ako , ikaw."
"Ako?" Turo ko sa sarili ko "Naku! Wala naman akong bibilhin eh" winagay way ko ang aking palad sa hangin at tumingin sa labas.
"Akala ko ba gusto mo mag shopping" ugtang nito.
"Wala akong sinabi " sagot ko dito habang nakatoun parin ang tingin ko sa labas.
"I think you're not a girl " kunot nou naman akong tumingin dito na nakatoun parin ang tingin sa daan.
"At pano mo naman nasabi? Aber?"
"Hindi pa ba obvious? Sa lakas mong manuntok , babae ka pa niyan?
"Aba't!...... Oh eh bakit ? Ikaw? Bakla ka ba ?"
Kunot nou naman siyang tumingin sa akin at muling binaling ang tingin sa daan " of course not!"
"Di daw , nag pa bog bog ka nga" mariing sambit ko.
"Wala kang alam" Malamig na saad nito.
Pinag cross ko ang mga braso ko at inis na binaling ko ang tingin sa labas.
"Walang alam.... Ang sabihin mo , lampa ka lang talaga" asik ko.
"Wala talagang magandang lumalabas dyan sa bibig mo no" asik nito.
"Oo , lalo na't kung ikaw ang kasama ko " asik ko dito.
Matapos non ay muli kaming tumahimik na dalawa at di na nag imikan pa.
Hanggang sa nakarating na kami sa mall .
"Lintik ano ba to!" Pabulong na sambit ko habang inis na tinatanggal ang seat belt ko.
Ayaw matanggal! Problema nito!
"Ako na!" Pagpipigil ni Spencer sa akin ng muntik ko na putulin ang seat belt "sisirain mo pa eh" inis na asik nito.
Umusog siya papalapit sa akin bahagya at tinanggal ang seat belt ko.
Ang bango ng buhok niya ah.....
"Done... let's go" sambit nito matapos matanggal ang seat belt sa akin.
Agad na siyang bumaba sa kotse at ganon din ako , mabilis akong sumunod dito , ang bilis pang maglakad ng bwisit!
"Uy!" Agad kong hinablot ang braso niya ngunit agad niyang binawi ito.
Kunot nou siyang tumingin sa akin habang naka pa mulsa.
"Ang bilis mong maglakad! " Inis kong sambit nito.
"Tsk!" Dinig kong asik nito.
Muli siyang naglakad ngunit mas mabagal na kaysa kanina.
Sinabayan ko siya sa paglalakad niya
At habang naglalakad kami ay aksidente akong natapilok dahilan para muntik na akong madapa , ngunit agad nahablot ni Spencer ang damit ko sa likuran.
Nakahinga ako ng maluwag ng di ako tuluyang madapa .
Nilingon ko naman bahagya si Spencer na nasa likuran ko na di parin nagbabago ang expression ng mukha.
Hawak hawak niya parin ang damit ko mula sa likuran , agad niya akong hinala ng malakas.
Muntik pa akong matumba ng bigla niya akong bitawan mabuti at nakabalase ako.
"Wala ka talagang ka getleman - gentleman sa katawan mo!" Inis kong asik dito.
"You're welcome" sambit nito at muli ng naglakad papasok sa mall.
Tsk! Naku!!! Mamamatay ako ng maaga nito dahil sa taong to eh!
Agad na akong sumunod dito papasok sa mall.
Bakit ganon? Sa nakikita ko sa drama sa tv. Kapag muntikan ng madapa ang isang babae ay agad hinihila ng bidang lalake ang kamay ng babae tapos agad niya pinupulot ang kamay niya sa bewang ng babae . Sa madaling salita romantiko ang dating!
Ibang iba sa nangyari kanina sa akin!
Hinablot ba naman ang damit ko sa likuran para di ako madapa , tapos malakas akong hinila at biglang binitawan.
Hindi naman sa nag rereklamo akong hindi romantiko ang dating ng pag tulong niya sa akin.
Nakakainis lang kasi! Sana naman maging gentleman siya kapag tumutulong siya.
Tinulungan niya nga ako pero muntik na din akong matumba kanina sa kagagawan niya.
At sa klase ng mukha niya na laging galit na sa tingin ko pa pinag lihi sa sama ng loob.
Sino nalang ang mag kakagusto sa tulad niya.
"Ang pangit ng ugali" pabulong na sambit ko.
"Anong sabi mo?" Ugtang nito.
"Wala" agarang sagot ko dito na di niya na pinag tounan pa ng pansin.
Ng nasa loob na kami ng mall ay halos malag lag ang panga ko sa sobrang ganda at laki ng loob ng mall.
Ngayon lang ako nakapunta sa mall!
Grabe! Ang ganda!
"Hey!" Sigaw ni Spencer.
Agad naman akong natigilan, nanatili pala ako sa kinatatayuan ko ng di ko namalayan.
Agad akong sumunod dito.
"Bilhin mo na ang gusto mong bilhin " ugtang nito habang naglalakad kami habang ako ay palinga linga sa paligid na manghang mangha.
" Sinabi ko na sayo, wala akong bibilhin , ang dami ko ng gamit sa mansion , ayo kong mag sayang ng pera " agad naman akong natigilan sa paglalakad ng bigla ding huminto si Spencer at tumingin sa akin.
"B-Bakit?" Ugtang ko dito habang siya ay nakatitig sa akin.
Hindi naman siya mukhang galit, naiinis , o naiirita.
Hindi naman siya naka kunot nou ,
Normal lang siyang nakatingin sa akin ngunit yung tipong parang may gustong itanong o Sabihin ang mga pinupukol niyang tingin sa akin.
"You're --------"
"Hey!" Sabay kaming napalingon ni Spencer.
Si Dexter! Andito siya!
Agad siyang naglakad papalapit sa amin ni Spencer.
Binalingan ko naman ng tingin si Spencer na bumalik na sa walang emosyon niyang mukha na nakatingin ngayon kay dexter na papalapit.
"Hey señora " nakangiting sambit ni dexter sa akin at binaling ang tingin kay Spencer.
Nagkatitigan silang dalawa habang ako ay nasa ginta nilang dalawa.
"Anidto ka lang pala, pinahihirapan mo pa kami sa paghahanap sayo" nakangiting sambit ni Dexter dito.
Ano ba yang pinaguusapan nila?
Hinahanap nila si Spencer? Bakit?
Diba magkapatid sila dito sa loob ng libro?
"Wag mo muna sabihin sa kanila to , Bryant ." Malamig na saad ni Spencer na tinanguan naman ni Dexter/ Bryant
B-Bryant?
Si dexter! Bryant ang panggalan niya dito?
Kung ganon yung ....
SJBWW BROTHER'S....
SPENCER, JORDAN, BRYANT, WEST AT.... WATSON..
Tumingin naman sa akin si Dexter/ Bryant at lumapit sa akin.
"How are you?" Nakangiting tanong nito sa akin.
Napatingin naman ako kay Spencer na nakatingin din pala sa akin.
Agad siyang nag iwas ng tingin ng sandaling mag tama ang mga mata naming dalawa.
Agad ko ding binalik ang tingin ko kay dexter o Bryant.
"Ito , malakas parin " nakangiting sambit ko dito . Ngumiti din pabalik sa akin si Bryant.
"Let's go " asik ni Spencer.
"Agad agad?" Ugtang ko dito.
Kunot nou naman siyang tumingin sa akin " akala ko ba ayaw mo dito"
"Teka! Wala naman akong sinasabing ayaw ko dito eh"
"Wala kang gustong bilhin dito , edi ayaw mo nga dito" asik nito.
"Oo wala akong gustong bilhin dito, pero wala naman akong sinabing ayaw ko dito. " Mariing sambit ko.
Bakit ba siya nagagalit!?
Totoo naman kasi eh , wala naman akong sinabing ayaw ko dito.
"Tsk! Ikaw na ang mag hatid sa kanya.. Bryant" sambit nito habang nakatingin parin sa akin " wala na ako sa mood "
Tumalikod na ito sa amin at naglakad na paalis.
"Ang yabang talaga!" Mariing sambit ko.
"You okay?" Tanong sa akin ni Bryant na agad kong tinanguan.
"Okay lang... Nakakabwisit lang kasi yun .... Pinag lihi ata sa sama ng loob "
Bahagya namang tumawa si Bryant at umiling iling pa.
"Let's go" sambit nito.
"Saan ?"
"Kung saan mo gusto" nakangiting sambit nito.
"Hmm... Segi . Tara!"
Mabuti pa to si Dexter/ Bryant , matino , mabait , palangiti , gentleman ang dating.
Di katulad ng isang yun , parang robot!
Pero.... Okay lang kaya siya? .
Hmph! Bakit ko ba iniisip kong okay siya o Hindi!