DISCLAIMER:
This story is purely fiction. Names, characters, places, businesses, and events are only a product of the author's imaginative mind. Any resemblance to a real-life event, living or dead, is purely coincidental.
Typographical and grammatical errors ahead.
©2024
•LazyWrites
•••••••
Lulan sa isang Tri-wheeler o mas kilalang Bao-bao sa amin, hindi ko maiwasang hindi langhapin ang hindi maalikabok at malamig na hangin na tumatama sa aking mukha. Alas dose na ng tanghali at medyo malayo pa ako sa sentro doon sa lugar namin.
Yakap-yakap ang bag pack na nasa kandugan ko, tinuon ko sa aking kanan ang atensyon ko at tahimik na pinagmasdan ang maberdeng bundok na puno ng mga malalaking puno ng kahoy.
Napangiti ako sa nakita dahil unti-unti nang nabalik sa dati ang kulay ng dahom ng mga puno. Hindi na rin mainit ang byahe dahil sa malalaking kahoy na sinadyang itanim sa gilid ng daan.
Noong nakaraang mga buwan kasi, nakaranas kasi ng El Niño ang buong Pilipinas at kita talaga ang ebidensya. Unti-unti naging tuyo ang mga maberdeng dahon ng puno na sanhi ng pagkasunog ng ibang kahoy at parte ng bundok.
Isa sa gusto kong tanawin talaga dito sa aming probinsya ay itong naglalakihang bundok na pumalibot dito. Napangiti din ako dahil ganun na lamang ang naging transpormasyon ng bayan namin matapos mapili ang bagong Mayor. Napapalago nito at maayos ang kanyang pamamalakad.
Inayos ko ang pagkakaupo at kinuha ang cellphone na nasa bulsa ng bag ko. 12:45 na pala ng makita ko ang oras sa phone ko.
Nakita kong may missed call si Mama at isang unread message 10 minutes ago. Naka silent pala ang phone ko kaya di ko ito napansin.
Una kong binuksan ang message ni Mama at napangiti ako sa nabasa.
Mama:
Eksayted ka ng makita ng mga kapated mo, ingat sa byahe...
Nagtitipa ako sa cellphone ko at senend ang reply ko kay Mama.
Ako:
Ma, malapit na ako, kakadaan lang namin sa Barangay**** at maya-maya dadaan na kami sa tulay ng Sta. Rosa.
Matapos kong isend yun ay tinatawagan ko ang number ni Mama. Salamat naman at sinagot nito ang tawag ko.
"Ma!" Masigla kong tugon. Napatingin naman sa akin ang batang katabi ko kaya nginitian ko ito ng matipid at nanghingi ng tawad. Nagising ko kasi ito.
Nag uusap lang kami ni Mama at tudo update ako sa kanya kung nasaan na ako. Sinabi ko rin nito sakanya na gutom na gutom na ako dahil hindi ako kumain sa inuupahang kwarto malapit sa paaralan na pinapasukan ko.
"O sigi, ipapasundo kita sa kuya mo na nasa sentro ng bayan ngayun dahil may inutos ako sa kanya." She paused for a while at rinig ko sa background ang panunuway ni Mama sa dala kong kapatid. "Sibal, Sonya, maya na ninyo ako kulitim dahil kausap ko pa ang ate n'yo." Rinig ko naman sa kabilang linya ang kanilang reklamo laya napangiti ko.
"Ineng, malapit na tayo, saan kita ititigil?" Tanong nung driver kaya napaangat ako ng tingin at inilibot ang paningin sa labas ng umaandar na Tri-wheeler.
Unti-unti ko na ding nasilayan ang mga bahay na nasa gitna ng kanilang sakahan ng lubi at saging. Kilala ang lugar namin dahil sa kasaganahan ng lubi at saging. Hindi lang naman ito ang pangkabuhayan sa lugar namin ngunit dito kami nakikilala ng mga kabilang bayan.
Ilang minuto ang lumipas at natanaw ko na si Kuya na nakaupo sa kanyang motosiklo at nagseselpon kaya doon ko nalang pinara ang sinasakyan ko.
"Dito nalang ho ako." Sabay abot ng pamasahe ko at lumabas na. Nag iinat muna ako saka lumapit kay kuya.
"Busy sa girlfriend ah?" Sambit ko at nabaling naman sa akin ang atensyon n'ya. He hissed and put his phone in the pocket of his cargo pants.
"Wala akong jowa." Aniya at pumwesto na ng motor at sumakay naman ako sa likuran nito.
Nagtaka ako bakit hindi pa nito inistart ang makina ng motor ng magsalita ito.
"Akin na bag mo, alam kong mabigat yan. Dito sa harap ko ilalagay." Nakalahad ang kamay, nakangiti kong inilapit sa nakabukas na palad nya ang strap ng bag pack ko.
He grunts ng mabitawan ko ang bag.
"Bigat nga talaga nito." At inayos nito ang bag sa harap n'ya. Napansin ko naman ang basket na nakasabit sa manebila ng motor. Ngayun nga pala ang schedule ng babaratohing bilihin sa palengke.
He started the engine at pinatakbo na ito. "Salamat kuya."
Pagdating sa bahay ay sumalubong sa aking ang dalawang bubwit na naka handa nang yumakap sa akin. Umupo ako at pinantay ang mukha sa kanilay at sabay silang niyakap.
"Missyou ate/missyou hehe." Sabay nilang sambit. Hinalikan ko naman ang dalawamg pisngi nila at ngiti ng ngiti lang sila.
Nilapag ni Kuya sa couch ang bag ko at pumasok ito ng kusina para ibigay kay Mama amg pinamili nito sa palengke. Narinig ko naman silang nag uusap doon at lumabas ni Mama habang nagpupunas ng kamay sa kanyang suot na mahabang bestida.
She kissed and hugged me and then brought me towards the kitchen at pinaupo sa hapag para kumain na. Nakonsensya naman ako kasi hinintay talaga ako nito na dumating saka sila kumain.
Hindi makasabay ang tatay saamin dahil nasa sakahan namin ito at mamayang hapon pa ang uwi nito. Masaya kaming nagkukwentohan at matapos naming kumain ay ako na nag ligpit ng pinagkainan namin. Pinagpahinga ko naman muna si Mama at katabi nitong natulog ang dalawa kong bubwit na kapatid. Pagod si Mama kakalaba kanina, dahil sa maraming sinampay na nakita ko sa labas.
Si Kuya naman ay wala rito sa bahay. Pinuntahan si tatay sa aming sakahan at tumulong sa ginagawa ni Tatay doon. Matapos kong maghugas ng pinggan ay nilinis ko ang buong bahay at pagod akong naupo sa sa couch. Maya-maya ay pumasok na ako sa kwarto ko habang bitbit ang bag ko. Nilabas ko lahat ng damit ko at inayos itong nilagay sa drawer ko. At nagbihis na rin ako dahil naiinitan ako. Sinaksak ko ang electric fan dito sa kwarto dahil napaka init talaga.
Umupo ako sa kama ko at pinagpagan ito. Hindi man ako lagi dito ay alam kong inaayos at nililinis ito ni Mama. Ng makaramdam ng pagod ay nahiga na lang ako.
Kahit hindi ko ibubuka ang mata ko, alam kong sila Sonya at Sibal ang nasa kama ngayun at naglalaro. Naamoy ko ang amoy ng pabango at lotion ko. Unti kong minulat ang mata ko at ganun nalang ang kagulat ko ng makitang nilalaro nila ang mga gamit ko na naka nakalagay sa may bedside table ko. Liptint at perfume, tsaka lotion kaya dali-dili ko itong binawi sa kanila.
"Sibal, Sonya! Ano nanamang nakain nyo at nilalaro nyo ito?" Natahimik naman sila at nagtitigan sa isa't isa. Bago ko pa sila mapagsalitaan ay mabilis silang bumaba sa kama at lumabas ng kwarto ko.
Napabusangot hininga nalang ako at napailing. Yung dalawang yun talaga. Napatingin ako aa bedsheet ng kama ko at may bakas na liptint na alam kong iningudngod nila doon.
Mamaya kayo sakin.
Nilinis ko ang kanilang kalat at lumabas ng kwarto. Nadatnan ko naman sila sa sala at ayun nakaupo na sila sa couch at nanonood ng pambatang palabas. Si Mama ay andon sa labas at nagwawalis. Hapon na rin at ganitong oras talaga si Mama nag wawalis, o di kaya ako minsan para magsusunog ng mga natutuyong dahon na winalis at susunogin para daw kahit papaano mawawala ang mga lamok sa bakuran.
Napatingin ako sa wallclock na nakasabit malapit sa salamin dito sa sala at nakita kong 4:45 na pala. Mahaba-haba rin ang tinulog ko.
Lumabas ako ng bahay at umupo sa kahoy na upuan na nasa ilalim ng manga habang si Mama naman ay busy sa pagwawalis.
"Ma, si Sibal at Sonya, nilaro mga gamit ko." Sambit ko at napaangat angMama sa akiwo at tila awakeg pa rin bakit nagawa yun npa rinn nakababatang kapatid ko.
"Hayaan mo na, hindi ko kasi sila nabilhan ng laruan kaya yung gamit mo ang napagdiskatihan." Aniya. Tumayo ako at kinuha kay Mama ang walis at ako na ang nagwawalis.
Manaming na hangin, namnamingg yumakap ,saking katawan. Maya-mmoviesin ay ,alam kmoviesas lal,amig kaya mabuti nalang at dala ko ang mga makakapal kong jacket na dinala ko sa boarding house.
Pumasok naman ng bahay si Mama at alam kong mag sasaing na iyon at maya maya dadating na sila Papa at Kuya.
Habang nagwawalis ay boses ng mga lakaking nag uusap ang nadinig ko na papadaan dito saming bahay. Hindi na bago sakin na tuwing hapon sila dadaan dito dahil papunta lamang sila ng covered court sa unahan para maglaro ng basketball. Dinig na dinig ko rin bawat dapat ng bola sa sementadong daan malapit sa amin.
Kahit nakatalikod ako ay kilala ko na sila. Sila ang magpipinsang Rojas. Sabi sabi pa noon na isa ang kanilang mga ninuno sa unang tumira sa Barangay na ito, pangalawa naman ang amin. Kaya hindi nakakapagtaka kong maraming Rojas dito sa lugar na ito, gaya namin.
Kilala din sila dito dahil sa kanilang malawak na lupain at ang kanilang pagkikitaan sa pagsasaka, ang kanilang buko at saging.
Habang nag uusap, isang hindi pamilyar na boses naman ang narinig ko. Ngayun ko pa lang talaga ito narinig kaya nakakapagtaka. Lumingon ako sa kanila para makita kung sino oy. Ngunit nagsisi rin ako dahil paglingon ko ay ganun rin ang nangyari, saktong paglingon nya at saaking mga mata tumigil ang kanyang paningin. Napatalikod ako at mabilis na pumasok ng bahay.
Ganito talaga ako eh, mahiyain. Feeling ko sobrang nakakahiya ng ginawa ko, lalo na nung marinig ko ang kanilang tawanan habang papalayo.
Lumabas si Mama ng kusina at nadatnan nya akong bitbit ang walis kaya nagtaka ito.
"Bakit mo pinasok ang walis dito? Eh sa labas lang naman iyan nilalagay." Aniya habang nakakunot noo. Hilaw na ngiti akob lumabas ng bahay at doon nilagay ang walis. Sakto naman na dunating na si Papa at Kuya galing sa aming sakahan.
"Pa!" Sigaw kong sambit ng makita itong pababa sa sinasakyang multi cab habang may mga gulay na nakalagay sa likod nitong cab. Si Kuya naman ay saktong papasok rin dito sa may bakuran sakay sa kanyang motor.
Ngiti, na sumalubong sa akin si Papa. Lumapit ako sa kanya ,at agad nagmano at yumakap.
"Sam, kanina ka pa?" Aniya at tumango naman ako. Kinuha ko naman sa kanya ang bitbit na malunggay at kalabasa na presko pa. Sabay kaming pumasok at sinalubong naman kami ni Mama na may bitbit na kape na nakalagay sa tray at ilang piraso din ng tinapay at mayonnaise.
"Pang, kape ka muna." Aniya at nilagay sa may center table dito sa sala ang kanyang bitbit. Masaya namang lumapit si Tatay sakanya at humalik sa pisngi nya sabay kuha ng kapeng nag uusok sa pa init.
Yung dalawang bubwit naman ay kumuha ng tinapay sa tray at hindi pinutol ang kanilang tingin sa tv at tutok na tutok sila aa kanilang pinanood na Masha and The Bear.
Si kuya rin naman ay kakapasok lang ng bahay at dumiritso sa mesa at kumuha rin ng tinapay. Ako naman ay dumiritso ng kusina at patayo na binabad ang kahoy na parte ng malunggay sa pitsil na may tubig para hindi into malanta. Sa mesa ko naman nilagay ang kalabasa at matapos nun ay naglakad ako papuntang sala at kumuha ng isang tasa ng kape na bitbit ni Mama kanina.
Naabutan ko silang nag uusap tungkol sa maging kaganapan sa loob ng linggong ito. Saka ko lang naalala na Araw ng Bayan pala sa susunod na araw at sure ako na magiging bibo ang bayan namin.
"Simon, diba kasali ka sa maglalaro ng volleyball sa palaro?" Mama asked kuya. My brother just shrugged his shoulders. Kung may athletic man dito samin pamilya, si Kuya iyon. He loves playing volleyball so much. He's a varsity in highschool kaya nagakakapagtaka na ganun lang ang sinagot n'ya kay Mama.
"Aba, sagutin mo ako ng maayos!" Pagalit na sigaw ni Mama kaya asar akong ngumiti kay Kuya. I know he's up to something kaya hindi ito sumali sa lineup na lalaro ng volleyball sa sitio namin.
"Si Mama naman. Yung mas bata pa sakin na kaedad ni Summer yung pinapasali para naman mas exciting, hindi yung lagi nalang kami." Aniya sa mababang boses, takot magtaas ng boses kay Mama yan lalo na't andito si Papa at nakikinig sa kanilang usapan. "At saka, Esports ang sinalihan ko, Moblie Legends, mas malaki kasi ang price. At yung mananalo naman na team ay yung isasabak sa tournament doon sa kabilang Barangay." Paliwanag n'ya pa. Kaya pala, ML pala ang sinalihan nito. Napailing naman si Mama.
Napatingin naman ako sa mga medals at awards na napalunan ni Kuya noon sa kanyang pagiging Varsity Player at Captain ng Volleyball team noon highschool. May mga litrato pa sya na kasama ang kanyang team, na nakapikit sa pader na nasa ibabaw lang ng malaking Flat screen TV namin.
"Ikaw Sam, gagala ka ba? Hindi ba uuwi din mga kaibigan mo na nag aaral din sa malayo, sila Kelsey at Aria?" Bumaling ang tingin ni Mama saakin habang tinanong n'ya iyon. Saka ko lang naalala na patapos na rin sila sa kanilang exams at end of semester na rin nila. Marami kami sa circle of friends namin, kaso ang dalawang nabanggit ni Mama ay yung kapitbahay lang namin na sobrang close sa akin at sakanya. Yung ibang kaibigan ko naman ay nasa kabilang Barangay lang at same Community College na pinasukan n'ya, na madalas lang na nakikita ng Mama n'ya kaya siguro hindi ma tinanong. Close naman talaga lahat ng mga kaibigan nya, sa Mama nya.
"Ah Oo Ma, napag usapan na namin kagabi sa group chat namin. Bukas siguro sila uuwi." I answered her while I took a sip on my coffee. She nodded in my response at bumaling sa TV ang kanyang atensyon. We silently watched with the kid's movie. Naaliw din naman kami lalo na't ang kulit kulit ni Masha doon sa bear.
Dinner passed at may kanya-kanya na kaming ginagawa. Matapos naming kumain kanina ay ako rin ulit ang nag volunteer na maghugas ng pinggan. Maaga natulog si Papa at si Mama ay nasa sala pa at nanonood ng balita. Ang dalawang kapatid ko naman ay nakatulog sa couch habang nanonood sila ng ibang palabas. Si Kuya naman, andon sa kwarto nya at nag gagrind sila ng mga ka squad niya sa ML para sa tournament dito sa Barangay namin ngayung palaro.
While eating dinner earlier, as usual rhey asked me about my studies. Buti nalang talaga at palaging maayos ang grades ko kahit di naman ako pinipressure nila Mama. Hindi man nila sinabi but I know they are hoping na maging Dean's Lister ako, at magka Latin honors when I graduate in college like my Kuya. Pa ganyan-ganyan lang yan pero Laude yang kuya ko nung grumaduate nung college. He's an IT graduate at nakakapagtaka bakit kahit ngayun hindi pa rin ito naghahanap ng trabaho at mas pinili na mag tulong kay Tatay sa farm namin.
Don't get me wrong. It's time for him to have his own work, save for his future dahil hindi naman all his life tutulong sya kay Tatay. Time will come at alam kong mag aasawa itong kapatid ko and mas mabuti yung may stable job na sya if mag aasawa sya.
Pumasok ako sa kwarto matapos kong maghugas ng plato at agad hinagilap ng mata ko ang phone ko. Nasa bedside table lang pala ito nakalagay. I looked for the WiFi icon in my phone and pressed it to turn it on amd connect it. Nung ma connect ko ito ay daming message naman na natanggap ko.
Kinailangan ko pang e silent phone ko dahil sa notification sound na sunod-sunod ang pag tunog. So far, gc lang naman ang umiingay at ibang message naman ay galing sa kaibigan ko. Ni replyan ko naman sila at sinabi kong kita-kita nalang kami rito sa lugar namin.
After that nag scroll muna ako sa social media ko, f*******:, nung biglang dumaan ang post ng isa sa mga Rojas na dumaan dito sa bahay mamin kanina. As usual, it's about basketball and it says that they win, and that's because of their cousin. Nung tiningnan ko ang isang photo, Rigel and isang unfamiliar face ang nakita ko, at saka ko naalala ito pala yung kasama nila.
"Mally as the three-pointer and the MVP." That was the caption so I assumed that the person or cousin he is referring to is the one beside him, and his name is Mally. Ba't tunog pambabae?
I shrugged that thought off at nireact lang ng heart ang post at saka ko na in-off ang WiFi at napagpasyahan na magbasa nalang ng ilang books na andito sa kwarto ko dahil hindi pa rin naman ako inantok dahil nakatulog ako kaninang tanghali.
I'm a fan of mystery/thriller, suspense, kind of genre of a book. Kaya halos mga collection ko ay ganun.
Isang oras lang tinagal ko sa pagbabasa dahil nakaramdam ako ng antok at hindi namalayang nakatulog pala, at nagising nalang ako dahil sa tunog ng manok.
Nadaganan ko pa ang libro kaya napasimangot ako at inayos ko amg nagusot na page nito at nilagay sa mesa ng maayos ko na. I freshened myself up by brushing my teeth and washing my face saka lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Mama na nagtitimpla ng kape at gatas sa kusina at ang dalawang bubwit na nasa upuan ang naka pangalumbaba sa mesa. Si Tatay ay nasa harap ng TV nagkakape, naka bihis na ito at ready ng pumunta sa farm namin.
"Good morning, Everyone." Nabaling naman sa akin ang atensyon ni Tatay at ngumiti.
"Oy, anong good sa morning?" Pagbibiro nito kaya natawa ako at ganun rin si Mama. Umangat naman ang ulo ng dalawa at sabay silang lumingon sa akin.
"Morning ate." They said in unison. Argh, this twin is so cute. Pero di ko pa rin nakalimutan yung ginawa nila sa Liptint, perfume at lotion ko!
"May kasalanan pa kayo sa akin." Wika ko nung lumapit ako sa pwesto nila at piningot mga pisngi nila.
They ouched in unison kaya naman bumaling tingin ni Mama sa akin at sinuway ako.
"Summer naman, masakit na iyang pisngi ng mga kapatid mo." Aniya at hinawakan ang isang tasa ng mainit na kape. "Oh kape ka muna, saka kmo gisingin kapatid mo ng makasama ito sa Tatay mong pumunta sa taniman ng saging natin." She handed me the coffee and I accepted it gladly.
Sinunod ko naman ang utos nito at pinasok sa kwarto ni kuya bitbit ang mainit na tasa ng kape. Maingat at walang tunog na pumasok ako para hindi ito madaling magising. As usual, tulog mantika ang kuya ko kaya impose na magising ito agad-agad.
I went to his side, at itinapat ang mainit na parte ng tasa habang ang hawakan naman ang hawak ko. Napabangon ito sa init at pigil ang tawa ko ng makitang nakabusangot ang muka nito.
"What the fugde, Summer?!" Pasigaw na sambit nito. Alam kong puyat ito dahil sa kakalaro ng ML kagabi. I teasingly smiled at him and greeted him. "Good morning din Kuya, hehe. Ayaw mo naman siguro na si Tatay ang gigising sa iyo no?" I sweetly smiled at him and went my way out of his room.
I know that what I said to him inside will definitely woken him up. I smirked, takot parin pala kay Tatay.
Matapos ang agahan. As expected, ako si Mama at ang bubwit lang natira sa bahay dahil sinama ni Tatay si Kuya.
To ease my boredom, I connected my phone to the Bluetooth speaker na nasa tabi lang ng TV namin. Of course my siblings were back to watching kid's movie again and here I am, blasting my music. Kahit si Mama napailing sa sobrang lakas ng music ko eh.
So while I was listening to Fallin' by Why don't We my phone suddenly rang kaya tiningnan ko kung sino ang tumawag. It was Kesley kaya enoff ko ang Bluetooth at sinagot ang tawag n'ya.
"Summer! I'm at home right now!" Isang masiglang bungad ni Kesley sa akin, sanhi ng paglayo ko ng phone ko sa tenga ko at napangiwi sa lakas ng boses nito.
"Yes, Kesley. Kakasabi mo lang gabi na ngayun ka dadating." I responded with a matter-of-fact tone. She giggled and ignored my remarks.
"Yups! And since I missed you so very much, punta ka rito sa bahay namin."
Napailing ako. She could've chat or texted me. Oh well, since miss ko na rin s'ya ay okay lang din na tumawag s'ya.
"Oh sigi mamaya, papaalam lang ako kay Mama." Sagot ko sa kanyang sinabi. Napatingin naman ako kay Mama na nakaupo sa couch kasama ang mga kapatid ko. Halata namang wala itong pakealam kung sino ang katawag ko dahil hindi man lang ito bumaling ng tingin sa akin nung masambit ko ang Mama.
"And oh, I just happened to know na andito ang crush ko sa Barangay natin! Woah, can't wait to see him later, ipakita ko sayo hehe." she excitedly utter those words kaya napangiwi ako dahil naiimagine ko ang mukha nyang nag dedaydreaming.
"And my brother says he plays basketball here, oh my ghad, I'm So excited!" At tuluyan ko nang nailayo sa tenga ko ang phone ko. Napabuntong hininga ako at nagsalita before enend ang call.
"Yups dear, I'll be there later. Kain ka muna dahil parang nalipasan ka, bye." I ended the call at hindi na muli kinonnect ang phone ko sa speaker namin. Instead I went to my room to get my towel and prepare my clothes to wear para sa susuotin ko mamaya kina Kesley.
Ng mapadaan ako sa sala ay napaangat ng tingin si Mama sa akin. Her eyes were questioning me kung saan ako pupunta. It's unusual for me to take a bath sa ganitong oras lalo na't nasa bahay lang ako. Usually kasi ay hapon na ako naliligo pag nasa bahay lang ako. Unless if may lakad ako gaya nito kaya ako maligo.
"I'll be at Kesley's place. Gusto n'ya ako makita." Inunahan ko na si Mama at dumiritso ng banyo at naligo. After taking a bath ay nagbihis na rin ako at nagpabango. Ng masatisfy ako sa looks ko ay lumabas na ako ng kwarto. I'm simply wearing a blue pedal jeans na pinarisan ko ng simpling shirt at naka sandals lang ako.
Nagpaalam ako kay Mama na umalis na at agad naglakad na palabas ng bahay.
Ng makalabas ako sa gate ay sakto namang dumaan sa harap ko ang pinsan ni Rigel, si Mally. He was intently looking at me, at ako na mismo ang umiwas ng tingin at nagsimula nang maglakad sa direksyon kung saan sya nanggaling. Since ilang minuto lang naman ang lalakarin ko papunta kina Kesley ay linakad ko na rin. I don't know where did he came from pero there's a possibility na galing syang court kasi namamawis pa ito at naka jersey.
I plugged the wireless earbuds on my ears and listen to music while walking. Kung may nadadaanan man akong kakilala ay ngitian ko nalang sila and did not bother to stop and talk to them. Kesley must be waiting and alam ko maraming baon na chika iyong ngayun.
Naalala ko naman si Aria. She lives in the opposite way sa tinirahan nila Kesley. Silbi, doon ang daan papunta kila Aria doon sa nilakad na direksyon noong Mally.
Mamayang hapon pa ang dating ni Aria dahil medyo malayo ang kanyang pinasukan. Ng madaanan ko na ang covered court dito malapit sa stage ng plaza ay alam ko pagliko ko ay bahay na nila Kesley ang marating ko.
Ilang hakbang na lang at naaniag ko na ang bahay nila. Since two storey yung bahay nila, nakita ko si Kesley sa may balcony sa second floor, na nakaharap mismo sa covered court at kitang-kita sa pwesto nya kung sakaling may maglalaro sa court, especially basketball.
I called here and waved at her. Tinanggal ko na rin ang earbuds ko at nilagay sa bulsa ko.
"Kesley!" She looked at my direction at kita kong nagmamadali itong bumaba. Seconds after nung nasa tapat na ako mismong gate ng bahay nila ay syang pagbukas nya doon.
"Bruhang Summer!" She lounge me into a hug na syang tinugon ko. We went inside at nakita ko si Tita na may inaasikaso sa kusina.
"Hi po Tita, bless po." I greeted her Mom nung lumapit kami sa kanya when Kesley went to their refrigerator to fetch some snacks for us before heading upstairs.
Tita smiled at me at pina mano naman nya ako. "Hey Summer, long time no see. Kamusta ka na?" She asked in a soft voice. I smiled then answered her.
"I'm fine Tita." After that ay tumaas na kami ni Kesley. His dad is a businessman kaya nag out of town ito dahil sa business nila.
Nung nasa balcony na kami ay doon ako tinadtad ni Kesley ng Chika.
"Oh Summer, I almost forgot! Yung crush ko na sinabi ko na andito, he was here bago ka dumating. Oh my god he's so hot in his jersey!" She exclaimed kaya napakunot ang noo ko. No it can't be that guy. Pero sya lang naman nakita ko na galing ata dito kanina at naka jersey.
"Tapos? Ano namang ginawa n'ya dito?" I asked her while sipping on the juice she gave me. Nilagay muna nito ang ininom na juice at timumingin sa akin. She held my shoulder kaya sumunod doon ang mga mata ko.
"He's out for a jog." Aniya at bumitaw rin naman.
"What's his name again?" I asked her at nasa bibig ko pa rin ang straw ng ininom kong juice.
"Malcolm R. Delgado." She said with twinkling eyes. Iniimagine nanaman siguro ng babaeng ito. She spoke again at doon na ako nabulaukan sa ininom na juice. What the hell?
Mally?!
•••