FIERCE MANSION
Di pa din ako makapaniwala ikakasal ako , nakaharap ako ngayon sa salamin at pinag mamasdan ang itsura ko. "bestie asan ka na ba ?"....
Natanaw ko na din mula dito sa room ko ang mga ilang kamag anak namen at mga piling piling mga bisita , pero di ko pa din nakikita kahit anino nung bestfriend ko.
Nagulat ako ng may kumakatok sa pinto oras na ba bigla ako ginapangan ng kaba at takot sa dibdib.
" sino yan?" tanong ko pa bago lumapit sa pintuan.
" bestie ako ito."
Nag madali na akong pag buksan ito.
" oh thank god," sabay yakap sa kanya at maluha luhang hinila ko na siya papasok aa loob."
" grabe naman to ,wag kana umiyak masira yang make up mo, wag kana mag alala kasama ko na siya nasa baba lamang wala pa kami sinabi sa dad mo kasi baka di kami papasukan sa gate palang i band na kami."
" ganun ba anjan na din ba si Mr. Castillio."
" oo bestie anjan na din nakita ko pero di ko naman pinansin."
" so ano gagawin naten ngayon ?" di mapakaling tanong ko kay kim.
" relax ka lang siya na daw bahala mamaya , basta smile ka lang ok."
" kinakabahan ako sure ka ba dito , baka mag kagulo mamaya natatakot ako."
" don't worry ready naman kami kung sakali mag ka gulo nga hihihihihhh.
" loka loka ano nga kinakabahan na nga ko mas lalo mo pa ko tinatakot , ayaw ko naman mag kagulo."
" ano ka ba binibiro lang kita , wag ka mag alala ok."
" senyorita ,"
Sabay kami napalingon sa natawag.At pinag buksan ng pinto
" yes po manang , "
" pinatatawag na po kayo sa baba ng makapag simula na raw po."
" ok sige pakisabi susunod na po ako."
Lumabas na ito at heto na naman ang kabog sa dibdib ko lalo lumakas.
Sumunod na kmi sa pag baba at habang nababa sa hagdan ay natanaw ko na si Mr. Castillio nakaabang na din sa pag baba ko pati ang mga magulang ko katabi niya.
Pero nasa gitna na palang ng hagdan na ma pansin ko ang isang pamilyar na lalaki sa kabilang side napaka disente ng suot nito pero di ako pwede mag kamali kilala ko siya JAYVEE , nag tama ang mga mata namin at biglang bumilis ang t***k ng aking puso ko.
Para tuloy di ako makahakbang , na bigla pa ako ng sikuhin ni Kim at natulala na pala ako.
Nag deretso na ako sa pag baba pero ilang hakbang pa lamang bago ako makababa ay sinalubong na ako bigla ni Jayvee at hinapit sa bewang at dinampian ng isang mabining halik.
Sa gulat napakapit ako sa mga balikat niya upang hindi mahulog.
" SHE'S MY WIFE ."
Malakas na sabi nito sa lahat na nag aabang sa may paanan ng hagdan.
Nakita ko sila mom at dad na nag tatanong ang mga itsura samin.At nabanaag ko ang talim ng tingin sa aking daddy ,habang pinapanood kami.
Nakita ko rin na palapit si Mr.Castillio sa aking mga magulang nahalatang galit na galit.
Di ko na nakita pa ang mga sumunod na nangyari ,Hinila nako ni Jayvee pabalik sa aking kwarto kasunod ang bestfriend ko.
" stay here wait for me , i will talk to your parents and Mr. Castillio." hinalikan pa ako ulet nito sa noo bago umalis."
Nakatulala pa din ako sa mga nangyari , parang ayaw mag register sa utak ko...
" Care to explain everything ! "
Galit na pag kakasabi ng ama ni heather , inaasahan ko na ito. Nandito kaming tatlo sa loob ng opisina nito.
Parehas itong nakaupo at nag aantay ng paliwanag ko.
" Sir , let me introduce my self first .I am Jayvee Alcantara ."
Tinanguan lamang ako at sumenyas na maupo sa harapan nila.
" sir sorry kanina ,nabigla ho namen kayo."
" it is true what you said earlier."
" yes i'm her husband , and she's my wife.Here's all the documents ." sabay abot ng isang brown envelope.
Kinuha naman ito ng father ni heather at binasang mabuti bago inabot kay Castillio.
Nabigla pa ako ng mag sitayo sila at lumapit sakin , sabay na inilahad ang kamay at may mga ngiti na sa labi.Inabot ko naman agad ang kanilang mga kamay na may ngiti na din nawala na ang kaba ko kanina.
Napaka swerte ko raw, at ingatan ko daw si heather sabi ni Mr. Castillio.Naiintindihan naman daw niya , natatawa pa nga ito ng sinabing ang mga kabataan talaga ngayon.
Nakitawa naman ang ama ni heather pero ,sabay baling sakin na wag ko daw sasaktan ang unica hija niya.
" naku sir baka ako pa po saktan ni heather , mahal na mahal ko po siya wag po kayo mag alala." nakatawa ko na ring sagot sakanya.
Lalo itong napahalakhak.
" dad na ang itawag mo sakin hijo asawa mo na ang anak ko kaya anak na din kita."
" salamat po dad."
" gusto ko makilala din ang mga magulang mo hijo , dalhin mo sila dito."
" opo dad, don't worry soon po , actually di rin po nila alam na may asawa nako." napapakamot ulong sabi ko."
" hahahahhhh ,ah sige basta tama na ang mga lihim lihim na iyan ang pag aasawa ay di naman laro laro lamang seryosong bagay iyan. Kung di ko pa pinilit na mag pakasal si heather di pa kayo lalantad.
" pasensiya na po gusto lang po sana namin ng tahimik na relasyon , malayo sa mga media, pero malabo po talaga ata yun mangyari dahil sa estado ng buhay niya."
Nag tagal pa ang usapan namen at halos puro tungkol sa bussiness na ang iba.
Nag siuwian na din ang iba sa mga bisita at pinaliwanag lamang na nag karoon ng di pag kakaunawaan pero nag celebrate pa din gawa ng nalamang kasal na ang nag iisang anak niya na siya namang talagang gusto nilang mangyari.
Nakasalubong ko pa ang ina ni heather na papuntang kusina , niyakap ako agad nito at sinabi na natutuwa na makilala ako.Nginitian ko naman ito at sinabi "ako rin ho nagagalak na nakilala ko na kayo."
" halika hijo kumain ka na din sabayan mo na sila heather andun sa dinning." hinila pa ako nito.
" sige po mom," natuwa naman ito ng tinawag ko na siyang mom.
" heather eto na ang asawa mo tapos na sila mag usap ng daddy mo."
Sabi agad ng mommy ni heather pag pasuk namin sa b****a pa lamang ng malaki nilang dining.
Nakaupo ito kumain katapat si kim ,na parehas kumakain at nakapag palit na din ito ng simpleng pink floral dress.
Napalunok ako bigla ng masilayan ang dibdib niyang medyo nakalitaw sa suot niya.
Lumapit ako sa tabi niya , tahimik lamang ito pinanonood ako makaupo sa tabi niya.
Tinanguan naman ako ni Kim na tuloy lamang sa pag kain.
" kumain kana at may pag uusapan pa tayo."
Napalunok tuloy ako bigla sa pag kakasabi ni heather , parang galit siya.Tumango na lamang ako at kumain na.
Natapos kami kumain na walang nag iimikan.Hanggang si Kim na ang bumasag ng katahimikan.
" Bestie , Jayvee uwe nako, tingin ko mas kelangan nyo muna mag usap dalawa ."
" bestie dito kana matulog ipapahanda ko ang guest room."
Pigil ko sa bruha kong kaibigan.
" kaya nyo na yan wag ka mag alala bukas na lang ako babalik , may kelangan akong puntahan."
Wala nako nagawa kundi hayaan na lamang umalis si Kim , may point din naman siya need namen dalawa mag usap.
Nakita ko ang daddy sa may garden at nakikipag inuman pa , tinawag ako nito at nilapitan ko naman.
" yes dad "
" hija asan ang asawa mo papuntahin mo nga dito."
Sakto naman na palapit na si Jayvee sa pwesto namen, at nang makalapit pinulupot na nito agad ang braso sa aking bewang.
Sumusobra na to, alam na di ako makakapalag dahil nasa harap ang mga bisita at ang dad ko sige ang pulupot sakin.
Pero aaminin ko parang may kumikiliti na di ko maipaliwag na pakiramdam sa aking tiyan sa tuwing nadadantay ang mga braso niya sakin.Napapahugot ako ng malalim na hininga.
" oh hijo maupo kayong dalawa dito."
" opo dad "
Napapailing na lamang akong sumunod sakanya ng makaupo ito dahil nakapulupot pa din ang mga braso sakin at hinawakan pa ang isa kong kamay.
At nararamdaman kong hinahalikan nito ang aking buhok , biglang bumilis ang t***k ng puso ko at alam kong ramdam niya ang bilis ng pag hinga ko.
" hijo gusto ko malaman kelan ninyo ba kami mabibigyan ng apo? " nakatawa nitong sabi samen.
" daddy ," pinanglalakihan ko ng mata at lasing na ata ito.
" wag po kayo mag alala dad , gagawa na ho kami ilan po ba ang gusto ninyo." natatawang sagot naman ni jayvee.
Medyo siniko ko ng pasimple si jayvee at sabay irap , di pa nakakainom ito , pero parang mas lasing pa sa daddy ko.
" daddy sobra na ata yang naiinom mo tama na yan, tatawagin ko na si mommy."
Tumayo na ako bago pa man ito makapag salita , at hinila ko naman si Jayvee para sumunod sakin kelangan kami mag usap hindi na pedeng ipag pabukas.