" Bill, clear my schedule today."
Nag madali nako lumabas , kasunod ang apat na body guard ko di ko na inantay na sumagot ang secretary ko, tinawag pa ako nito pero di ko na nilingon, mabilis nako sumakay ng elevator at nag punta sa parking lot.
Nakaabang naman sa parking lot ang tatlo ko pang bodyguard at isang driver.
" president ," sabay sabay na bati nila pag kita sa akin ,tumango lang ako.
" give me the key ," maautoridad kong sabi sa driver , napakunot pa ang noo nito at nag tatanong ang mga mata nag aalangan kung iaabot ba sakin ang susi, pero inabot din agad ng makitang napapataas na ang aking kilay.
Nung una natanggi pa silang maiwan dahil baka malagot daw silang lahat sa daddy ko pag hinayaan ako umalis mag isa , pero nag matigas nako sa huli wala din silang nagawa kundi ang sumunod sa gusto ko.
Naiwan silang lahat at habol na lang nila ako ng tingin , sinabi ko din walang susunod sakin pag may sumunod mawawalan ng trabaho at sisiguraduhin kong di na makakahanap pa ng bagong trabaho.
Gusto ko muna mapag isa at makapag isip makalanghap ng hangin parang bigla akong nasasakal at di makahinga.
Natagpuan ko na lamang ang sariling nasa baguio na pala ako di ko na malayang ang layo na pala ng narating ko sa dami ng natakbo sa isipan ko.
Huminto ako sa isang mall dun namili at kumain may katapat ito na hotel kaya balak ko mag palipas na lamang ng gabi doon at bukas na lamang bumalik ng manila.
" good evening po mam, " sabi ng receptionist.
" ms. presidential suite please " sabi ko.
" yes po mam wait lang po." naging busy na ito sa harap ng computer .Ilang sandali lang naman ang tinaga , " mam , here's your keycard , jayvee come here assist mo si mam sa room niya.
" no its fine i'm ok." Awat ko pa receptionist ng may tinawag ito , dahil wala naman ako masyadong dala , handbag ko lang at one paperbags na may lamang ilang pirasong damit ,di ko naman kasi akalain na makakalayo ako ng ganito kalayo sa kakaisip ko kanina.
" akin na po mam, ako na mag dala po niyan ihatid ko na po kayo sa kwarto ninyo." inaabot agad ang dala ko.
Wala na din ako nagawa pa ng kunin sakin ang mga dala ko pagod na din ako, saka ginagawa lang nila marahil ang trabaho nila.
" mam, dito po," turo sa silid at binuksan ang pinto gamit ang keycard.
" ilapag mo na lamang yan jan sa sofa ." sagot ko sa kanya ng makapasok kami sa loob.
" ok po mam," inilapag ko ang gamit niya pati na ang keycard.
" here, thank you "sabay abot ko ng dalawang libo sa lalaki.
" naku mam, ang laki naman po niyan nakakahiya naman po di naman po mabigat ang mga gamit ninyo ayos lang po."
" its fine kunin mo na jayvee, " basa ko pa sa name na nakasabit sa may dibdib niya.
" wag na po mam, ok lang po talaga." nakayuko kong sabi di ko siya matitigan ng husto at baka mailang sa akin.
" Heather na lang wag mo nako tawaging mam, sige na sayo na ito ." sabay lagay sa bulsa ng damit niya.
" maraming salamat po sige po , kung may kelangan po kayo tawag lang po kayo ako pa po mismo mag hahatid sa inyo." nakangiti kong sabi pero ang dibdib ko grabe na ang kabog lalo na ng ilagay niya ang pera tapat ng aking dibdib na may bulsa. Pigil pigil ko ang hininga ko para di niya maramdaman ang bilis ng t***k ng puso ko.
" Ok sige bye." Napangiti naman ako sa sinabi niya ,at sinarado na ang pinto.
Nag tungo ako sa kama at nahiga , napabalikwas ako ng maalala ang cellphone ko nga pala kanina pa patay simula nung umalis ako ng office at naiwan ang lahat ng bodyguard ko malamang baka mag alala naman ang magulang ko.
Pag buhay ko ng phone ko sunod sunod ang pasok ng mensahe pati tawag , napabuntong hininga na lang ako ngayon lang kasi ako umalis ng walang dala kahit isang bodyguard sa tabi ko kaya malamang talaga nag kakagulo na sa mansyon namin ngayon.
"Bestie ,nag layas kaba ?bat di mo naman ako sinama bat nag sarili ka naman, iniwan lang kita kanina at may meeting pa ko yun pala may plano kana mag layas."
"Huy bestie sagutin mo naman tawag ko galet kaba sakin nag bibiro lang ako sa pag hired ng husband mo joke lang yun."
"Bestie call me"......
"Bestie pleasesss...
"hija ,sweetheart where are you ?nag aalala na kmi ng mom mo bat di ka nag sama kahit driver man lang.
" asan kaba ipapasundo na kita ."
" tatawag nako sa uncle mo na general ipapahanap na kita."
Naku eto na nga ba ang sinasabi ko, sapo sapo ko ang noo , baka pede naman ako makahinga muna kahit isang araw pero sa estado ng buhay ko malabo, i dial dad's phone....
" hello Dad,"
" heather ,oh thank god akala ko ano na nangyari sayo sweetheart, bibigyan mo pa kmi ng madaming apo, asan ka ipapasundo na kita."
" please no dad, i'm ok don't worry ill be back home tomorrow i just want a break from everything that's why i left.
" ok sige umuwe ka agad bukas , muntik ng himatayin ang mommy mo, nalamang wala ka at wala ka din kasama ni isang body guard.
" ok po tell mom im fine, and don't be so dramatic i'm not kid anymore ,bye love you both.
Sabay baba na ng phone di ko na
inantay pang sumagot ang dad sa kabilang linya at hahaba lang ang usapan namin ,basta nasabi ko na ok ako para di na din mag alala baka kasi magulat na lang ako nasa t.v news nako at pinapahanap, kung tutuusin ilang oras pa lang naman ako nakakalayo sa kanila.
Bumalik na lamang ako sa pag kakahiga at nakatulog na sa pagod.....
-----
" Sir jayvee ,mukhang tinamaan ka ng pana ni kupido hahahahhh , natatawang sabi ni Rose na isang receptionist sa hotel na pag aari ko.
" Masyado bang halata ,buti nabasa mo agad ang sinend ko sayo kanina may bonus ka sakin sa sahod." natatawang sagot ko sa kanya.
Pano kanina pag baba ko pa lang sa kotse ko natanaw ko na ang isang babae na palabas ng mall at napansin kong ang nilalakaran niya ay patungo dito sa hotel.
Di nako nag dalawang isip pa nag tungo ako agad sa may employee locker at kumuha ng damit dun at nameplate , nag taka pa sakin ang headstaff , pero pinamadali ko na siya at baka di ko maabutan ang babaeng bumihag sa aking puso.
Habang nag bibihis ay nag send nako ng message kay rose , dahil gusto ko ako mismo ang mag assist sakanya as a normal employee para di naman matakot kung bigla ko na lang siya lalapitan.
At di nga ako nag kamali ng malapitan ko siya ,napaka amo ng kanyang mukha napaka ganda niya ,pero parang ang lungkot lungkot ng mga mata niya ,gusto ko siyang yakapin at halikan agad , kaso baka mademanda ako ng s****l harassment hehehehhhh , at ayaw ko siya matakot sakin, kaya kung todo pigil ko sa sarili kanina makuntento na lang muna ako na makita siya ng malapitan.
" talaga sir salamat po ,naku mukhang na love at first sight po kayo, kaya lang one night lang sir ang pina book ni ms.beautiful pano na yan sir baka bukas umalis na po yun."
" dont worry now i know her name i can find my ways to her heart ." nakangiting sabi ko at hinugis puso pa ang kamay ko saka tinapat sa dibdib.
" naks si sir talaga ohhh, go go go sir ,bagay na bagay kayo ,maganda at gwapo." napapapalakpak pa ito sa tuwa nakipalakpak pa ang ibang kasama nito.
" yah ,sige akyat nako sa penthouse ako baka pumunta si sir Primo nyo , and inform me agad kung tumawag siya at may kelanganin ako lang ang pede umakyat sa suite niya understand." paalala ko na medyo sineryoso ko ang itsura ng mukha.
" yes sir " sumaludo pa ito.
Nag lakad nako papasok sa elevator at sabay pindot sa penthouse, naalala ko kanina halos ayaw ko pa bumalik kanina dito.
May nakalimutan lang akong importanteng documents kaya napabalik ako dito sa hotel pero di ko akalain na makikilala ko ang babaeng bibihag sa aking puso."HEATHER FIERCE"....