MATAPOS i-akyat ni Raven ang mga bulaklak ay nagmamadali siyang nagtungo sa lugar kung saan niya iniwanan ang dalaga ngunit dismayado siyang malaman na wala ito roon. s**t! Where did she go? I told her to stay here. Ang tigas ng ulo ng babaeng iyon. Naging babysitter pa tuloy ako. Napabuga siya ng hangin sa inis sa dalaga. Muli siyang naglakad at sinuyod ang paligid hanggang sa disco area na halos nakabibingi na ang ingay ngunit wala ito roon. Bahala siya. I am here to enjoy myself. "Hi! Are you alone?" wika ng isang mestisahing babae sa harapan niya. He stared at her deeply while taking a glimpse at every curve of her sexy and daring red cocktail dress. She has blonde hair with steel-blue eyes and red lipstick. May hawak itong ladies drink habang sumisipsip dito at tila inaakit siya. N

