“Raven…” “Uhm…” “Si Baby Reis umiiyak,” sambit niya sa asawang mahimbing pa ang tulog nito habang nakadapa. “Love, puntahan mo muna at may conference call ako sa investors ng kapatid ko. Please…” Sumaglit lamang siya upang gisingin ang asawa niya. Kumilos lang si Raven ngunit hindi naman ito nagising agad. Nahihiya nga siyang gisingin ito dahil pagod din ito mula sa trabaho nito. Nagkataon pa na naka-day off ang kanilang taga-bantay ng kanilang anak. Pinayagan na lamang niyang umuwi ito sa probinsya at samakalawa pa ang balik. Nasilip niya ang wall clock nila at pasado alas-onse na ng gabi. Hindi rin niya maiwan ang kaniyang client dahil sa gabi lang siya madalas nakikipag-deal sa mga ito since foreigner ang kaniyang mga kausap. Napailing siya at muling bumalik sa kwarto ng kanilang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


