KINAGABIHAN, nayayamot na lumabas sa kwarto si Kreisha habang naabutan niyang nagkukuwentuhan sina Raven at Kameron sa sala. Nasa bahay sila ng ama niyang si Juan Carlos habang mananatili muna sila roon ng ilang araw bago sila bumalik ng Pilipinas. Napangiwi siya dahil hindi na naman niya maiintindihan ang kaniyang sikmura. They already have done their dinner but still she’s looking for something to eat. Natural lang naman iyon sa mga nagdadalangtao tulad niya. “Love!” Biglang napatayo si Raven nang makita siya at mabilis din itong nakalapit. “What happened?” “I want something.” “Something to eat? Kakakain lang⸻” Natigilan ito ngunit nagbawi rin. “All right. What do you want to eat?” “Gusto ko ng siopao at balot!” aniya. “Huh?! Where do I could find that here?” kunot-nong tanong ni R

