Pababa na si Zack sa hagdanan dahil tinawag siya ni Aling Lukring sa taas at may bisita siya. Sabado nang araw na iyon at wala naman siyang inaasahan na bisita. Iniwan pa niya sa taas ang kaniyang mag-ina habang nakikipaglaro siya sa mga anak niya. His forehead wrinkled when he saw a familiar face in their living room. Tumayo agad ito nang makita siya. “Kameron?” “Hi,” pormal nitong wika. “Napadalaw ka?” tanong niya. “Yeah. I know you’re not expecting me to be here but I need to talk to you,” he said. “Sure. Have a seat.” “No, thanks. It will not take so long.” “So, what’s that important matter you’re up to?” “I will tell it to you directly. Do you know that my sister and your best friend Raven were in the same cruise ship bound to South Africa?” Napatitig si Zack sa nakakatan

