Kabanata 32 : The Picture Luke's Nanghihina akong pagmasdan ang paligid. Iyong mga hinanda ni Betty. Nag effort siya para sa kaarawan ko. Pero ano iyong ginawa ko? Sinayang ko lang. Napadapo ang tingin ko sa isang cake. Happy birthday, Mine. I love you. Nanikip dibdib ko at hindi mapigilan ang mapaluha ulit. Sobra sobra ang pagod niya at nauwi lang sa wala. Kung sana lang ay hindi ko inuna iyong init ng ulo ko edi sana, Nagdidiwang na kami ngayon. Hindi ko siya pinansin nong umaga. Doon pa lang ang tanga ko na. Doon pa lang nasaktan ko na siya. Iyong pag celebrate kasama ang employee ko ay ang bagay na hindi ko dapat ginawa. Sana umuwi ako sa piling ni Betty. Uuwi naman talaga ako ng maaga pagkatapos kong bayaran ang bar. Pero napilit nila ako. Besides, sakanila nakasalalay ang kumpany

