Kabanata 28 : Sisipsipin ko Luke's Mabilis umusad ang araw. Limang buwan nang ipinagbubuntis ni Betty ang Junior ko. Yes. Lalaki Siya kaya sa sobrang saya ko ay agad kong pinagawa 'yong magiging kwarto niya. Pina-design ko iyon ng parang sa Star Wars. Bumili na rin ako ng mga laruang pang lalaki, damit, sapatos at kung anu-ano pa. Nagkakatuwa nga si Betty kasi pati siya ay exited na. Kinailangan na rin huminto ni Betty sa pag-aaral dahil malaki na ang tiyan niya. "Kaya ko pa naman, ah?" Pag protesta niya sa aming dalawa ni Mommy. Pero wala siyang magagawa Kundi sumunod sa amin. Para narin naman 'yon sa ikabubuti niya. Medyo nag-mature na rin ako dahil kailangan. Hindi na ako pwedeng maging easy lang. Hindi na pwedeng maglaro-laro lang. Magiging tatay at mabuting asawa na ako. Soon. Ye

