Kabanata 30 : Excited Betty's Tatlong araw na mula nung dumating sa bahay na ito si Bernice Forbe. Nagpakilala siya sa akin kaya kilala ko siya. Malamang naman diba? Ang pakilala nila sa akin kay Bernice ay girlfriend daw ito ni Kyen. Pero hindi ko naman nakikitang sweet sa isa't isa sila Kyen. Mas sweet pa sila ni Luke. Kababata daw ito ni Luke kaya ganoon na lang daw ang turingan ng dalawa. Pero hindi ako naniniwala. "Oh, come on, Luke. 'Wag mong sabihin na nakalimutan mo na ang nakaraan natin.” Hinimas ni Bernice iyong braso at dibdib ni Luke. Patago akong nakikinig sa usapan nila. Nakatago lang ako dito sa b****a ng kusina. Napatitig si Luke kay Bernice. Wala siyang sinabi at hindi niya pinagbabawalan si Bernice na hawakan na lang siya sa kung saan saan. Pero bakit pag sa akin nama

