Luke's POV "Yow!" Tinapik ako ni Johan sa balikat at halos mapatalon ako sa gulat. "Gulat na gulat? Kanina ka pa kasi nakadungaw diyan sa baba. Sino ba inaaabangan mo? Si Angel ba?" Tanong nito. "Ano bang pake mo?!" Tinaas niya yung kama niya. "Woah! Easy lang. Ba't ba ang high blood mo na naman? Kahapon ka pa ganyan ah?" "Shut up, Bro." "Okay. Okay! Sino pala idedate mo sa magaganap na event ng school? Ow! Tinanong ko pa. Malamang si Angel. Basta ako si Betty." Napabaling agad ako sa sinabi niya. "Sinong idedate mo?!" Nakakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bingi ka ba? Si Bett—" "Wag mong tatangkain!" Hinawakan ko yung balikat niya at tinuro siya. "Woah! At bakit naman hindi? Teka nga, may gusto ka ba kay Betty, pare?" Binitawan ko yung balikat niya at nilayo ang tingin. "H-huh?

