Lumipas na ang halos buong magdamag na naghintay si Lucas na may pumasok na mga taga barangay o mga pulis sa bahay niya at damputin siya. This time ipinangako ni Lucas na kapag kinasuhan siya ng rape o kung anupang kaso ay tatanggapin niya. Hindi siya makikipagbargain, hindi siya manunuhol para itikom ang bibig ng babae para sa sarili nitong katarungan. Sa pagkakataong ito, hindi siya tatakas bagkos ay haharapin niya ang mga nagawa, haharapin niya ang bangungot ng sarili niya. Napatingala si Lucas sa orasan mahigit dalawang oras na makalipas ang 24 hours ngunit wala pa ring mga pulis na dumarating. Bawat pagtiktak ng orasan ay parang bombang pasabog ang dibdib niya. natatakot siya pero gusto niyang matapang na harapin ang lahat. Pinagsisisihan niya ang nagawa ay nakahanda siyang harapi

