Chapter 19

1153 Words
Talagang pangarap ni Hailee na maging modelo—kung papalarin pa, pwede rin namang maging artista kahit hindi pang-lead role. Mula pa noong bata pa siya, iyon na talaga ang gusto niya. Nagkataon lang na nagkaroon siya ng karamdaman, kaya hindi naging posible para sa kanya ang mga pagbiyahe. Ang paggamit ng computer at trabahong nasa harapan nito ay maginhawa para sa kanya, kaya ang pangarap niya noon ay naging pangarap na lamang muna. Ngunit hindi makapaniwala si Hailee na ang pangarap na akala niyang isasara na niya bilang bahagi ng kanyang bucket list ay tila mangyayari na ngayon. Ang katotohanang iyon ay nagdulot ng malambot na haplos sa kanyang dibdib. Inakay siya ng medyo matabang babae papasok sa parang villa na napapalibutan ng mga bulaklak. Ang landas ay may bermuda grass, may mga hanging plants at mga namumulaklak pa. Kung iisipin ni Hailee ang lugar ay parang isang event place o pribadong resort. Pagpasok sa isang silid, kinausap ng babaeng umakay sa kanya ang isang lalaki: “Sir Jimin, nandito na po si Miss Hailee San Pedro. Ah, eto nga pala yung mga sequence ng gagawin nating post para sa photoshoot. Check niyo na lang po kung may icocorrect kayo o kung kailangan niyo ng anumang bagay, sabihan niyo na lang po ako,” sabi ni Micah. Ang lalaking kanilang kausap ay matangkad, parang Chinito, at mukhang maayos. “Ah okay, mabuti naman at nandito na siya. In fairness ha, hindi late. Okay, mag-relax ka lang muna diyan, Hailee ha. "Ah, magtatawag lang ako ng glam makeup artist. Okay tapos ipapadala ko na rin siguro dito yung mga pagpipilian mong damit para sa sequence ng photoshoot, okay?” sabi ng lalaking tinawag na si Mon. Ngumiti lamang si Hailee at nagpasalamat sa lalaking kumausap sa kanya. “Oh sige na, Hailee ha. Maiwan na kita dito—kaya mo na yan,” sabi ni Micah bago umalis. Umupo si Hailee sa isang stool na nakaharap sa malapad na salamin. Ayon sa babaeng kausap niya kanina na si Micah, darating pa raw ang makeup artist para ayusan siya. Nang mabasa niya ang mga sequence ng iba't ibang post at ang mga uri ng kasuotang gagamitin, medyo nabalisa si Hailee lalo na nang makita ang isang sequence ng photoshoot. Isa itong beach-themed shoot, at ang konsepto ay Beach Sports and Sun. Sigurado si Hailee na magsusuot siya ng two-piece dito. Hindi naman ito pagyayabang—hindi siya nag-aalinlangan dahil alam niyang hindi naman siya may kakayahan na magsuot nito kung hindi naman kailangan. Kung tutuusin, baka mapangaibigan pa ang mga mata ng iba kapag makita siya sa post na naka-red two-piece bathing suit. Iyon lang kasi ang meron siya—regalo iyon ng kanyang ina noong kaarawan niya. Pero dahil may sponsor na ngayon para sa damit, baka iba ang isusuot niya. Panalangin na lang ni Hailee na sana ay hindi ito masyadong mahalay o sobrang bikini ang istilo. “Bahala na, bahala na. Kaya mo ‘to, Hailee! Kahit ano pa ipasuot sa’yo, kailangan mo ng dagdag na pera. Bukod pa rito, kailangan mo talaga ito dahil kailangan mong bayaran ang lalaking iyon,” kumbinsi pa ni Hailey sa sarili. Sinuri ni Hailee ang listahan ng sequence ng photoshoot na iniwan ng babae kanina—baka hindi ito napansin ng dalaga nang inilapag iyon. "Ah, so magpo-photoshoot ako ng limang beses? Ibig sabihin, limang iba't ibang uri ng damit ang ipo-photoshoot ko, pero naka-isang lang ako ngayon?" Nang matapos siyang ayusan ng makeup artist ay umalis na ito, naiwan mag-isa si Hailee. Tumayo ang dalaga at nagrehearse ng iba’t ibang pose depende sa iba’t ibang tema at senaryo ng photoshoot. Ulit-ulit niyang pinagpraktis ang mga pose, paglalakad, pati na rin ang paraan ng pagngiti sa maikling panahong iyon. Ayaw niyang umabot sa punto na masita ng direktor—baka pa sabihin pa na wala siyang kaalam-alam o hindi niya maunawaan ang mga kakaibang estilo na parang sa K-pop. “Hi, Miss Hailee! Ready na po ba kayo? Sa loob ng labinlimang minuto, magsisimula na po tayo dahil dumating na po ang mga crew para sa inyong photoshoot,” sabi ni Mika. “Okay sige, ah—okay na ako, ready na ako! Sports wear po ang una sa sequence, hindi po ba?” magalang na tanong ni Hailee. “Ah yes, sports wear nga muna tayo. Pumili ka na lang kung alin ang gusto mong isuot—yung jogging pants o yung parang maikling palda pang-tennis,” sabi ni Mika. “Ah okay na sa akin yung parang palda short na pang-tennis. Okay na ako dun,” sagot ni Hailee. “Okay, good! Sige, tatawagin na lang kita ulit ha,” sabi ni Mika. Napangiti si Hailee dahil mabait sa kanya ang babae. Naisip ni Hailey na baka maging walang kabuluhan ang kanyang pagpapractice, dahil tiyak na gagabayan siya ng direktor at ang direktor ang masusunod kung anong pose ang kailangan niyang gawin. Mga bente minuto ring lumipas nang dumungaw si Mika sa silid kung saan siya naghihintay. “Hi, ready ka na? Tara na—naghihintay na sila!” sabi ni Mika sa kanya. Tumindig si Hailey at naglakad palabas; sa tikas at tindig niya, para siyang kandidata ng Binibining Pilipinas. Ang sports wear na ipinasuot sa kanya ay puti at rosas—sobrang bagay sa kanya. Maganda at malambot ang tela, mukhang mamahalin. Marahil ay sikat na brand ang kanilang sponsor, dahil hindi naman talaga siya sanay sa mga pangalan ng brand o kung ano ang uso. Sapat na sa kanya minsan ang mga pambahay o mga damit na pinaglumaan ng kanyang ina. “Ang ganda mo naman!” puri ni Mika. “Ah salamat! Buti nga, sakto-sakto sa akin ang sukat. Parang talagang isinukat para sa akin!” puri naman ni Hailee. “Ah, para talaga sa’yo yan! Actually, inorder lahat ng mga damit na ito para sa photoshoot—para sa’yo talaga.” “Talaga ba? Ang galing naman! Parang alam na alam nila ang sukat ng katawan ko, parang hinulaan pa nila!” “Ah yun ba? May mga staff kasi kami, lalo na dahil si Boss ang namahala sa pagpili ng modelo. Nag-aksaya sila ng oras para pag-aralan ang iyong profile, kaya alam nila ang mga sukat mo. Nabalingkinitan lang ang bewang mo, at alam nila kung ano ang dapat na sukat para sa’yo. Bihasa na sila dun—matagal na nilang ginagawa iyon, iyon na kasi ang trabaho nila. At alam mo bang mas maganda pa? Bukod sa talent fee mo para sa photoshoot na ito, lahat ng susuotin mo ngayon ay sa’yo na! Plus, may regalo pa mula sa mismong kumpanya—nandun na sa opisina.” Daldal-daldal na sabi ni Mika. Lumapad naman ang ngiti ni Hailee sa mga narinig. Marahil ito ang pinakamasarap na trabaho sa buong mundo—hindi lang siya binabayaran, nakakakuha pa siya ng mamahalin at kilalang klase ng damit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD