Nagising ako sa puro puting kwarto, nasaan ako? Napatingin ako sa may kamay kong may suwero. Nasa ospital ako? Agad akong bumangon nanh maalala ang nangyati at hinanap ang bag ko at nakita ko ito sa bedside table. Inabot ko ito at hinanap ang cellphone ko, nang makita ito ay kinabahan ako dahil wala ni isang message o missed call man lang si Calix. Alas nuwebe na ng umaga, ibigsabihin kahapon pa ako tulog. " Oh Avery, mabuti gising kana! " bungad ni Faye, ang doctor ko. " Okay na ako, lalabas na ako. " sabi ko dito at tumayo na pero nagcross arms lang ito at tinignan niya ako ng seryoso. " Maupo ka muna Avery, may sasabihin ako. " sabi nito kaya umupo ako dahil seryoso ang mukha nito. " What is it? " tanong ko. " I have a good and bad news, anong gusto mong unang marinig? " tanong ni

