Saan ba kasi tayo pupunta? " iritableng tanong ko kay Calix. Naglalakad kasi kami ngayon at medyo malayo narin ang narating namin. Sobrang dilim ng paligid at tanging flashlight lamang ang ilaw namin. " Surprise nga! " sagot naman nito, nakakainis naman to. Kanina lang galit na galit siya sakin at gulang na lang patayin ako sa panggagamit sa katawan ko tapos ngayon naman ito siya. " Nakakatakot kaya dito! " mahinang reklamo ko, sabay kaming naglalad at rinig na rinig ko ang ingay ng mga hayop o kulisap sa paligid. Hinila ako nito sa kamay at nagulat ako nang hawakan niya ako sa bewang at magkadikit na ang aming katawan habang naglalakad. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko at hindi ko mapigilan amg sariling mapangiti. Ilang minuto pang paglalakad nang pinahinto niya ako. " We're

