Napatingin ako sa cellphone ko sa side table nang tumunog ito, napangiti ako nang makitang tumatawag si Calix. " Hi love... " bati ko rito nang masagot ang tawag niya. Isang linggo na mula nang makalabas ako ng ospital, at mula nang maoperahan ako hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik sa trabaho. Sa mga araw na iyon ay nasa akin lamang ang atensyon niya at todo alaga niya ako. Pero kaninang umaga, sinabihan ko siya na bisitahin din ang kanyang kompanya, kaya umalis siya. " Hi love, Kumain kana? " tanong nito na ikinangiti ko. " Yes love, ikaw ba? " tanong ko dito, napabuntong hininga naman ito. " Mamaya na lamg siguro love pag-uwi ko dyan, may problema kasi dito. Pasensya na kung di ako nakauwi agad ha! " sabi nito. " Ano kaba love, it's okay. I understand. " sabi ko rito. " Ok

