AVERY POV Paggising ko ay kinapa ko ang katabi ko pero wala na ito. Gusto ko pa naman sana paggising ko, mukha niya ang unang-una kong makikita. Oo nga pala, napilitan lang itong tumabi sa akin dahil sa pakiusap ko. Bumangon ako at nagtungo sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush. Pagkatapos ay nagsuklay ako at lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Calix na nasa kitchen counter abala sa laptop at may mga papeles din sa tabi nito. Mayroon ding natimplang kape sa gilid niya, napangiti ako at hindi maiwasang hindi ito pagmasdan. " Stop staring, baka diko matapos tong ginagawa ko. " nagitla ako sa sinabi nito kaya agad akong nag iwas ng tingin. Naramdaman ko ang pag iinit ng aking pisngi, nakakahiya naman. Sinimulan kong maghanap ng maluluto sa ref. Naglabas ako ng itlog at bacon at sinimul

