The Story of Another Us chapter forty-three: false hope There are days that you will feel like you’re drowning. Akala ko noong una hindi naman talaga “nalulunod” ‘yung pakiramdam na sa sobrang daming nangyayari hindi ka na makasabay. Akala ko dati biro lang ‘yung ganoon pakiramdam. Nagawa ko pa ngang isipin na ang OA lang ng iba na pakiramdam daw nila hindi na sila makahinga. But those days will come. Dadating ‘yung mga araw na parang sa sobrang lakas ng hangin mas lalong walang pumapasok sa mga baga mo. Hindi ka na makagalaw dahil natitigil na ang proseso sa sistema mo. When those days come, all you’d want is relief. Something else other than the s**t going through inside your head. Maybe that’s why people wanted high. Maybe that’s why people wanted to lose themselves for a while to

