The Story of Another Us chapter forty-six: all because of me Sikreto. Sigurado akong hindi lang ako ang nagdadala ng malaking sikreto. Lahat naman tayo mayroon niyan eh. Dipende na lang talaga kung paano na lang natin ito bibitbitin. Pwede ding masabi na ito ‘yung baggage natin. Some of us are better at hiding our secrets. Siguro isa na ko sa mga magagaling dahil nagagawa ko pang manloko ng ilang libong tao—I’d even dare say millions. The question is, how long am I supposed to live this lie? For the rest of my days I am already marked as the girlfriend of the future first presidential son. Lagi ko nang bitbit ang pangalan ng mga Sandivan sa likod ko kahit na “maghiwalay” kami ni Nicolo. I’ll always be that girl. “You ready?” tanong sa’kin ni Nicolo mula sa kabilang banda ng pintuan.

