The Story of Another Us Chapter forty-nine: it was about you May mga tao lang talagang parang mga kabuti eh ‘no? I’m not going to say na hindi ko inasahang hahanapin ako ni Lennon. I knew one of these days he’s going to reach out to me to talk. Ang problema ko nga lang, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Habang papasok sa building kung nasaan ang studio, sobrang bagal na ng lakad ko. Sumasakit na nga ang ulo ko sa kakaisip kung ano bang pwede naming mapag-usapan. Bakit ba siya nandito? Bakit niya ko kailangang makausap? Miss ka na daw niya. Ayieee,bulong ng utak ko. Sira ulo, bulong ko pabalik. Ano na? Bakit ba hindi ko maitulak ‘tong pintong ‘to para makapasok na ko kung saan ko siya kikitain. He wanted to see me in the studio which should mean that he means business.

