The Story of Another Us chapter twenty-six: this is the life Kung pwede lang sigurong i-fast forward ang mga pangyayari sa isang araw, ginawa ko na. May mga araw kasi na ayaw mo nang dumating dahil alam kung gaano ka mapapagod pero wala ka namang choice kundi harapin ang mga araw na iyon. Ewan ko lang sa mga politicians na nangangampanya. Siguro, at some point gusto na lang din nilang matapos ang campaign period dahil nakakaubos ito ng pera, at sorbang nakakapagod. Biruin mo 'yun, ilang lugar ang pinapuntuhan ng kandidato sa isang linggo para lang manligaw sa mga botante. Sila na yata ang mga pinaka busy na tao sa mundo tuwing panahon ng kampanya. Natutulog pa kaya ang mga 'to? Pero syempre, hindi lang sila ang busy kundi ang mga tauhan din nila. At dahil isa ako sa mga tauhan at naka

